Chapter 3 : Ooops

419 12 29
                                    


KATHRYN' S POV

"Ang gwapu niya!"

"Pakshet. Nakakainlove."

"Uwaaah. Sino sa kanila pipiliin ko?"

"Shet. Give me a man like him please?"

"Bakit ba kasi single pa 'ko? Huhu!"

"Gaga! Panget mo kasi!"

"Huwaw! Nagsalita maganda, ah?"

"Talaga! Ganda ko kaya."

"Ay shet. Taas confidence! Hayuf!"

"Sapakan nalang, ano?!"

"Tara!"

At heto na naman sila. Kay aga aga nagsisilandi na naman sila. 'Yung totoo? Hindi ba nila kayang tumigil kahit isang araw lang? Jusko, makakita lang ng gwapo akala mo nabuntis na sila at kailangan panagutan, eh. Tss.

"Oh? Haba na naman ng nguso mo. Ano na naman problema?" Napatigil ako sa pagbusangot noong sumulpot na naman ang tatlong itlog. Ay hindi pala tatlo, dalawa lang.

"Oh? Nasaan si Nicks?" Tanong ko bigla. Nakita kong nagpigil ng tawa si Nicole pero nagtaka ako noong makita kong parang papatay si Ellah at inis na inis siya.

"Anong problema no'n?" Tanong ko sabay nguso kay Ellah. Natawa si Nicole pero natigil ito noong samaan siya ng tingin ni Ellah.

"Anyare ba kasi?" Pag-uulit ko.

"Si Nicks hinahanap mo 'di ba?" Natatawang sabi ni Nicole. Tumango ako. "Pfft... N-Nakikipaglandian sa... hahaha.. babae."

Agad na napanganga ako at nanlaki ang mata ko. "A-ANO?!" Tuluyan ng natawa si Nicole dahil sa naging reaksyon ko.

"Hahahah! I know right? Hindi kapanipaniwala 'di ba?" Tawa ni Nicole.

"P-Papa'no? Paanong si Nicks na halos pandirihan lahat ng kababaihan sa mundo ay makikipaglandian sa isang babae? Seryoso ka ba?"

Hindi naman kasi kapanipaniwala, eh. Imagine, paano ang isang bakla, makikipaglandian sa babae? Sabi na nga ba, eh. Tomboy talaga 'yun si Nicks. Tsk.

"Eh kaya pala mukhang inis na inis 'tong isang 'to, eh." Sabi ko habang nakangising tinitignan si Ellah. Kinunutan niya lang ako ng noo at sabay irap.

Nagtawanan kami ni Nicole at nag-apiran. "Ayiieee! Selos!" Naghiyawan pa kami at para kaming tanga na kilig na kilig.

"Para kayong tanga." Inis na sabi ni Ellah habang tinitignan kami ng masama. "Atsaka nagpapatawa ba kayo? Bakit ako magseselos?"

"Ay takte. Tatlong taon na ang nakalipas, indenial pa din." Bulong ko pero mukhang narinig ni Ellah kaya naitikom ko agad bibig ko. Narinig kong natawa si Nicole.

"Kaya nga, eh. Hahaha. Pa'no na ngayon 'yan? May karibal na siya sa pagmamahal ni Nicholas? Hahaha!" Panggagatong ni Nicole.

Natawa din ako at nag-apiran ulit kami. "Awtsuu! Ahahah! Ang gwapings ni Nicks, lupet!"

"Ewan ko sa inyo. Para kayong mga baliw." Tumayo si Ellah. Magsosorry na sana kami kasi mukhang naasar na talaga siya kaso nagulat ako noong bigla siyang naglakad na paalis.

"Lagot tayo/Patay!" Sabay naming sabi ni Nicole.

"Si Nicks kasi, eh! Tsk tsk tsk." Sabi ni Nicole habang umiiling.

"Oh? Ba't narinig ko pangalan ko?"

Nagulantang kami ni Nicole lalo na't noong biglang sumulpot si Nicks sa may gilid namin. Magsasalita na sana ako kaso napatigil ako lalo na noong makita kong gutay gutay ang suot ni Nicks at mukha siyang ni-rape ng mga limang babae.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon