Chapter 22 : Start of Plan

118 9 0
                                    

Pagkamulat ng mata ko, agad na bumungad sa'ken ang ceiling at ang masilaw na ilaw.

Pumikit ako at huminga muna ng malalim. Agad na napatingin ako sa may gilid na kalendaryo.

Nakita ko ang isang malaking bilog na nakalagay doon sa mismong araw ngayon.

Muli akong pumikit. "Okay, so this is the day. The start of my plan. My plan of making him remember me."

Agad na bumangon ako dahil sa nilalamig na ako sa airco--charot! Pinatay ko na ang electric fan at dire-diretso ako sa cr para maligo na.

Matapos ko gawin lahat ng morning rituals ko, naghanap na ako ng susuotin. Ewan ko lang kung bakit nacoconcious ako ngayon eh si Daniel lang naman 'yan. Tss.

Oh, correction. Hindi na pala siya ang dating Daniel na kilala ko noon. He changed...and that's because of me. So I need to freakin' fix this.

"So he changed, huh? The usual playboy pero this time malala." Ngumisi ako. Kinuha ko na ang mga damit ko na medyo hindi pang-conservative.

Tumawa ako ng sarkastiko. "Hah! Humanda ka sa alindog ng isang Kathryn Bernardo!"

Matapos ko sabihin ang mga salitang iyon, muli kong pinasadahan ang itsura ko sa salamin na may ngiting wagi.

"You're late." Iyon agad ang pambungad niya sa'ken habang nakacross arms na tila isang dalagang nireregla.

Isang mataray na tingin lang ang binigay ko sa kanya kahit na noong una ko siyang pasadahan ng tingin ay halos malaglag ang panga ko dahil kahit simpleng v-cut na white shirt at fitted jeans lang ang suot niya ay nakakatulo laway na, bwisit.

Naglakad ako ng presentable kahit na halos madapa dapa ako dahil sa heels na suot ko na sobrang sakit sa paa.

"Anong trip 'yan? Bakit ganyan ka maglakad?" Rinig kong komento niya. "Mukha kang penguin, ayusin mo nga."

Halos madapa naman ako sa pang-iinsulto niya. Masama ko siyang tinignan.

Walanghiya siya! Hindi niya ba alam na nagpaganda ako ngayon para lang sa kanya, tapos eto ang sasabihin niya? Myghad!

Pinasadahan ko ng tingin ang dress na suot ko na above knee. Nagpakulot pa ako ng buhok at ginamit ang mamahaling victoria secret na pabango na inaamag na sa cabinet ko. Nagmake-up pa ako ng konti.

Tinignan ko siya na tila ba nawiwirduhan. Takte, sa lahat ng pwede niyang pansinin eh bakit 'yung paglalakad ko pa?

"Oh, bakit ka ganyan makatingin?" Masungit na tanong niya. Teka nga, may dalaw ba 'to?!

"Wala!" Inis na sabi ko atsaka pumasok na sa sasakyan niya.

"Hindi mo man lang ba papansinin kung anong itsura ko ngayon?" Nakacross arms ako habang siya ay nagmamaneho.

Lumingon siya sa'ken ng bahagya at tinignan ako na tila ba nawiwirduhan siya. "Bakit? Ano bang nagbago?"

"Wala!" Asar na saad ko.

Ilang minuto ang lumipas at inis na inis pa rin ako kahit na wala naman akong dapat kainisan kasi matagal ko ng alam na hinayupak siya.

"Ay anak ka ng hayup ka!" Bulalas ko noong bigla siyang pumreno. Halos masudsod naman ako.

"Ano ba?!" Reklamo ko. "May balak ka bang mamatay?!"

"Get out of the car."

Nagulantang naman ako sa sinabi niya. "W-What?"

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon