"Fuck dude!" Hiyaw ni Aiden. Nagulat siya kasi aakmang lalapitan ulit siya ni Daniel. "I was just kidding!""Tch." Iyon na lamang ang nasambit ni Daniel. Narinig ko ang pagtawa nina Shin at Lukas sa gilid.
Stunned pa rin ako sa nangyari at sa mga salitang binitawan ni Daniel. Hindi ko alam kung anong irereact ko.
"You scared the shit out of me." Tumayo na si Aiden. "Gusto lang naman kitang i-provoke."
Narinig ko ang paghalakhak ni Lukas. "Aiden, atleast you know now na masamang pinoprovoke 'tong si Daniel."
Ngumuso si Aiden. "Tch. Yeah, I learned my lessons."
Natawa ulit sina Lukas at Shin. Ako, gusto ko sanang tumawa kaso hindi ko magawa dahil hindi pa rin ako nakaget over.
"Pero tangina ang sakit pa rin." Hinawakan ni Aiden ang pisngi niya. "Sa susunod 'wag naman sa mukha Daniel. Girls would cry."
Inirapan lamang siya ni Daniel. "Sa susunod, mas grabe pa makukuha mo."
Natawa ulit sina Lukas at Shin. Bakas ang takot at kabadong mukha ni Aiden dahil sa pagbabanta ni Daniel.
"Oh well, atleast my plan worked." Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Aiden. "You actually admit that she's yours."
I bit my lip. Damn. How am I supposed to react in this situation?
Napatingin ako kay Daniel. Nakita kong natigilan rin siya pero nag-iwas siya agad ng tingin.
"Don't dare deny it." Pagpupumilit ni Aiden. "You love her, aren't you?"
Nalaglag ang panga ko sa konklusyon na ibinigay ni Aiden. Hindi ko alam kung bakit kabado ako dahil doon.
Love? Does he? N-No way!
Napalunok ako ng laway with that thought. Pakiramdam ko ang hirap huminga ngayon.
Nabaling ang tingin ko kay Daniel na no reply pa rin hanggang ngayon. He's fixing his electric guitar.
Lumapit si Aiden sa kanya. Tinapik niya si Daniel. Nagulat siya noong mabilis na nilingon siya ni Daniel with a killing intent on his eyes.
"Fuck! I-I'm not doing anything!" Bulalas ni Aiden na nagtaas pa ng dalawang kamay. "I just want to make sure if you're really inlove with her."
Hindi sumagot si Daniel kaya mas lalo akong kinabahan. Nyeta, tanga na sa tanga pero I'm actually hoping for something. Like him, admitting that he actually is.
Pusanggala! Oh great. Umaasa ulit ako.
"Stop talking nonsense." Halos mapatalon ako sa biglaang pag-imik ni Daniel.
Hindi niya sinagot ang tanong kaya mas lalong lumaki ang kuryosidad ko. Tuloy pa rin siya sa pagliligpit ng gitara.
"Oh well..." Nakita kong napanguso nalang si Aiden. "Looks like I know the answer already."
Nakita kong napatigil si Daniel sa sinabi ni Aiden. Nakita ko ang paglaki ng ngisi ni Aiden. "I won't ask anymore."
Dahil sa sinabi ni Aiden, mas lalo akong nacurious. Punyemas! Gusto kong malaman kung ano 'yun! Ugh! I badly want to know!
Binuhat na ni Daniel ang electric guitar niya. Hindi siya nagsasalita kaya naman nakakatanga! Ugh! Ano ba kasi 'yon?
Lumabas na si Daniel ng room without saying anything. Sumunod ako sa kanya. Nasa likuran niya lang ako pero I'm sure he's aware of my presence.