KATHRYN'S POVI don't really know what to feel right now. Hindi ko alam kung magagalit, magiguilty, matutuwa, o malulungkot ako. Pero isa lang ang matindi kong nararamdaman, eh....
....SELOS.
Kasalukuyan akong kumakain sa canteen dahil vacant ko ngayon. Kumakain ako ng lunch at isusubo ko nalang 'yung kanina pero parang bigla akong nawalan ng gana lalo na't nahahagip ng mata ko sina Daniel at 'yung magandang babae na kasama niya.
Nagtatawanan silang dalawa habang kumakain. Halos mabali ko na ang tinidor ko at kating kati na akong itusok ito sa kanila. Pucha, canteen 'to! Kainan ng mga tao! Hindi lugar para sa mga naglalandian. Punyeta lang!
Halos lahat ng estudyante na matinong kumakain dito, nakatingin lang sa kanila. Agaw atensyon kasi sila, eh. Kumbaga, hindi lang basta basta naglalandian, kumbaga 'yung paglalandian nila, ang ganda tignan. 'Yung tipong kikiligin ka kasi ang perfect nila.
Pero ako? Pucha lang talaga. Gusto ko silang pag-untugin dalawa. Ang PDA, kahighblood!
"Oh Kath?" Napatingala ako sa taong tumawag sa'ken. "Kawawa naman 'yung fried chicken, nagmukhang tapa."
Inirapan ko lang siya sa sinabi niya. Tinignan ko 'yung fried chicken na kinakain ko at napabuntong hininga ako kasi tama siya. Nagmukha ngang tapa kasi gutay gutay na.
"Hahaha. Alam mo, Kath. Kung nagseselos ka, 'wag mong ilabas galit mo sa fried chicken. Kawawa naman." Singit naman ni Nicole para magatungan ang sinabi ni Ellah.
"Korek, teh! Dapat nilapitan mo na tapos kinwelyuhan mo tapos sapakin mo sa mukha para matauhan!" Dagdag pa ni Nicks. Umupo na sila sa harap ko.
"Tama! Tama!" Tumango tango ba sila bilang pagsasang-ayon.
"Tss." Tinuloy ko nalang ang pagkain ko. "Bwisit kasi, eh."
Nagkwentukwentuhan nalang sila sa harap ko at hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila kasi nakatuon atensyon ko sa hinayupak na iyon na pinupunasan pa ang bibig nung kasama niyang babae gamit ang tissue. Tangna, may sand paper ako dito, ito nalang pampunas mo.
Napabuntong hininga nalang ulit ako dahil sa inis at sakit. Kasi naman, eh. Hindi ko alam kung sinasadya niya 'to o ano, eh. Ilang beses niya na akong nakita, mukha pa nga akong tanga na dumadaan mismo sa harap niya eh kaso ni minsan, hindi niya nagawang tignan ako.
Nakakabulag ba pagpunta ng America? Tangna! Kung tratuhin niya naman ako, parang hindi ako nag-eexist sa mundo! Aurgh! Bwisit!
Ang sarap niyang sapakin para maagaw ko atensyon niya pero ayoko naman magmukhang desperada, noh. Tss.
Speaking of Daniel, medyo nag-iba itsura niya. Tumangkad siya tapos medyo lumaki katawan niya. Kung ikukumpara mo dati, masasabi mo pa talagang totoy siya nung highschool kami eh. Kasi ngayon, mukha na talaga siyang ganap na binata. Oo na, mas gumwapo na ang leche.
"Kyaaah! Ang wafu wafu niya!"
"Syet! Kalaglag panty!"
"Love at first sight ba 'to?"
"Gaga! Lust at first sight 'yan! Pinagpapantasyahan mo na kasi agad, eh."
"Ang gwapo niyaaa. Syet, nakakapanglaway."
"Mas gwapo si Daniel pero type ko rin siya!"
"Mas gwapo kaya siya!"
"Hindi! Lamang si Daniel ng limang paligo!"
"Tomahemek nga kayo! Mahal ko silang dalawa! Mamatay na umangal!"
"Mga loka kayo! Student council president, pinagpapantasyahan niyo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/38702698-288-k531852.jpg)