Chapter 39 : Worst Scenario

111 13 2
                                    

Maaga akong nagising ngayon. Hindi dahil sa inspired na inspired ako at sobrang saya ko sasalubungin ang umagang ito.

Napatingin ako sa salamin. Kitang kita ko ang malalaking itim na marka sa ilalim ng mata ko.

Walang tulog. Oo, iyon ang dahilan kung bakit.

Walang gana kong ginawa ang mga morning rituals ko. Ayoko talagang pumasok ngayon, nabibitter pa rin ako nyeta.

"Ma, pasok na 'ko." Kinuha ko na ang bag ko at aakmang aalis na kaso natigil ako nung biglang sumulpot si mama.

"'Nak, sa'n punta mo?" Nakakunot ang noo niya.

"Ha?" Kumunot rin ang noo ko. "Sa school po, malamang."

Mas lalong kumunot ang ni mama kaya naglabasan lahat ng wrinkles niya. "Anong school? Bakit ka pupunta do'n?"

"Uh, dahil may pasok ako?"

Pinanliitan niya ako ng mata na para bang ang tanga ng sinabi ko.

"'Nak, linggo ngayon. Anong pasok pinagsasabi mo?"

Nalaglag ang panga ko. "Ay weh? Linggo lang ngayon?"

Tumango si mama. Nakita kong titig na titig pa rin siya sa'ken. Ngumiwe siya bigla.

"Oh bakit?" Walang ganang tanong ko.

"'Nak? Panda ba ang peg mo ngayon?" Panlalait niya. "Dinaig pa ng pwetan ng kawali 'yang eyebags mo, oh."

Tumawa ako ng sarkastiko. Kahit kailan talaga ang corny ng mga banat ni mama.

Naglakad ako paakyat, pabalik na sa kwarto ko upang ipagpatuloy ang mga naudlot kong pagtulog.

"Oh, sa'n na punta mo?" Tanong ulut ni mama kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Matutulog nalang ulit ako."

Dire-diretso akong naglakad kaso napatigil ako nung biglang tinawag agad ako ni mama. Nakabusangot ang mukha ko pagbaba ko.

Ano na naman gustong gawin ni mama?

"Ma, kung magpapabili ka ulit ng napkin, ayoko na." Ngumiwe ako nung maalala ko 'yung nangyari kahapon.

Pakiramdam ko may masamang espiritu ang napkin kaya nagkanda-leche leche ang araw ko kahapon. Tch.

"Hindi, nagpabili na ako ng isang pack." Nakangising sabi niya. "May iba akong ipapagawa sa'yo."

"Ano 'yon?" Curious na tanong ko.

Nakita kong lumaki ang ngisi ni mama kaya kinabahan naman ako bigla. Parang may ibang ibig sabihin ng ngiting 'yon, eh. Parang may masamang pakay.

"A-Ano?! B-Bakit? Ha?!"

Iyon agad ang lumabas sa bibig ko noong isiwalat ni mama ang plano niyang gagawin ko.

Nakita kong mas lalo siyang napangisi sa naging reaksyon ko. Nanlalaki pa rin ang mata ko dahil sa gulat.

"Ano bang mahirap gawin do'n, 'nak?" Nakangisi si mama. "Parang magbabantay ka lang naman ng bata."

H-Hindi naman kasi mahirap talaga. Pero kung ang batang babantayan ko ay ang kapatid na babae ni Daniel, at sa mismong bahay nila ako magbabantay, hindi ba awkward 'yon? Lalo na't ayoko munang makita ang pagmumukha ni Daniel.

Oo, namiss ko si Arianne, 'yung kapatid niya, pero p-paano kung nando'n si Daniel? Winiwish ko nalang na sana wala at nasa condo siya ngayon nakatambay.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon