Chapter 36 : Want To Remember

124 11 6
                                        

Nakita kong natigilan siya. Nakaawang ang labi niya na tila ba nagulat siya sa itinanong ko.

Mas lalo naman ako, gulat na gulat ako nung bigla kong maisip 'yon. Like how the hell did he know kung saan ako nakatira? Never ko pa naman siyang nadala rito.

At sa buong ride, hindi ako nagturo ng kahit anong direksyon sa kanya papuntang bahay. Puros tili at sigaw lang ang ginawa ko.

Nagbabakasakali akong nalaman niya dahil naalala niya at kahit papaano naman ay unti-unti ng bumabalik ang alaala niya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko.

I saw him closed his mouth. Then it open. What's with that reaction? A-Anong ibig sabihin ng reaksyon na iyon? Nakakaalala na ba siya?

Aakmang magsasalita na sana siya kaso nagulat kaming dalawa noong biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang nakangiting matandang babae.

"Daniel anak!" Hyper na saad ni mama.

Nawala ang awkward at tensyonadong atmosphere kanina. Napafacepalm naman ako agad sa pambungad ni mama.

Makaanak naman 'tong si mama akala mo siya 'yung lumuwal at umire kay Daniel, eh. Tch.

Agad na lumipad si mama patungo kay Daniel. Niyakap niya ito ng mahigpit habang si Daniel naman ay gulat na gulat sa ginagawa ni mama.

"Nakakagulat! Ang laki laki mo na!" Saad ni mama. Kinurot kurot niya pa ang pisngi ni Daniel.

Nakita kong gulantang pa rin si Daniel. Ikaw ba naman sugurin, yakapin at kurut kurotin sa pisngi, sinong hindi magugulat do'n? Feeling close talaga 'tong si mama, eh.

"Ma, mas nakakagulat pag 'di 'yan lumaki." Pambabara ko.

Pinanliitan ako ng mata ni mama dahil sa komento ko. "Ikaw ba kinakausap ko? Ikaw ba si Daniel?"

I pouted. Kung anong galing ko sa pambabara, napapantayan niya. Magnanay nga kami.

"Anyway, manugang." Hinarap niya si Daniel. Halos mapafacepalm ulit ako sa itinawag niya kay Daniel. "Nakikilala mo ba ako?"

Nakangiti pa rin siya sa harap ni Daniel. Si Daniel naman, nakatingin sa kanya na tila ba inaanalyze niya.

Ilang segundo ang nakalipas kaya naman napabuntong hininga si mama. "Ayos lang 'nak. Pero sinisigurado kong bago ka makaalis ng pamamahay na 'to, matatandaan mo na ako."

Napangisi naman ako sa plano ni mama. As if naman kaya niyang gawin 'yon.

"Pasensiya na po." Magalang na tugon ni Daniel. Tinanguan niya si mama, ngumiti lamang si mama.

Halos matawa naman ako dahil sa pagiging magalang niya.

"Wow, Daniel! Ikaw ba 'yan?" Amazed na amazed na sabi ko habang tinitignan siya ng may hindi makapaniwalang mukha.

Nilingon ako ni Daniel ng may masamang titig kaya naman naitikom ko ang bibig ko. Narinig ko ang pagtawa ni mama.

"Ganyan na ganyan rin kayo noon." Natatawang saad ni mama. Sabay kaming napatingin sa kanya at ngumiti.

"So, ano? Ba't kayo naparito?" Inosenteng tanong ni mama.

Siningkitan ko siya ng mata. "Ma, 'wag kang umarte na parang wala kang alam. Ikaw kaya nagpilit sa'ken na dalhin siya dito."

Ngumuso si mama na tila ba akala mo ay teenager siya. "Eh hindi naman porket sinabi ko kailangan mong gawin, eh. It means ginusto mo rin 'to."

Napanguso ako at naramdaman kong napahiya ako. Tch. Tama naman kasi, eh. Iniisip ko na baka makatulong 'to.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon