"Ugh! He's so freakin' complicated!" Bulalas ko. "He wants me to do something para maangkin siya?"
I blushed with what I said. Pakiramdam ko masyadong green ang nasabi ko. Kung makaangkin naman akala naman ano.. a-ano. Basta 'yun! Tch.
"Pero hindi niya ba alam na all this time 'yun naman talaga ang ginagawa ko?" Kumunot ang noo ko. "Kaya nga ako gumawa ng pesteng planong 'to. For him to notice and remember me! Para bumalik siya!"
Pinagsusuntok ko ang unan na nasa harapan ko. Iniisip ko na si Daniel ang kaharap ko ngayon. "Ugh! Ang complicated mo! Ang gulo gulo mo! Ang sarap mong---ugh! Sapakin sa mukha!"
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Tapos muli kong sinuntok ang unan sa harapan ko.
"Patchu ka! King ina mong hinayupak na menopause ka!" Giit ko habang sunud-sunod na pinagsusuntok siya.
I can actually imagine him being hurt for every punch that I'm throwing. Pakiramdam ko may image talaga ng mukha niya sa mismong unan.
Napatigil ako sa pagsuntok. Lumapit ako sa unan at hinawakan ito. Yinakap ko ito at hinalikan.
"Sorry. Joke lang naman, eh." Malambing na sabi ko.
Agad akong natigilan sa sinabi at ginawa ko. Binato ko ng malakas ang unan palayo sa'ken.
"Leche! Unan lang 'yan! Unan!" Sigaw ko. "Ugh! 'Wag kang magpadala! Kahit na si Daniel 'yan hindi ka pwedeng magpakita ng kahit anong awa!"
"He's a freakin' asshole! Lagi ka niyang sinasaktan at pinapahirapan! Hindi ka dapat magpadala!" Matapang na pagpapaalala ko sa sarili ko.
Napatingin muli ako sa unan. Naghahallucinate talaga ako na si Daniel ito. Nyemas, dahil siguro hindi siya maalis sa utak ko kaya pati unan iniisip ko na siya!
Nakita ko si Daniel na nakangiti. Nakatingin sa akin ng seryoso.
"I-Ikaw!" Dinuro duro ko ang unan. "'Wag mo 'kong tignan at ngitian ng ganyan! Galit ako sa'yo, okay?!"
Napatigil ako sa pinagsasabi ko noong matanaw ko ang presensya ng nanay ko sa may gilid ko.
Nilingon ko siya at nakita kong nakacross arms siya at nakatingin siya ng hindi ko maintindihan sa'ken.
"Ah..hehehe. Ma? Kanina ka pa?" Tanong ko.
"Mga kani-kanina pa, 'nak." Sagot niya.
Napalunok ako ng laway. Hilaw akong ngumisi at napakamot sa ulo ko. "N-Nakita mo?"
Tinitigan niya ako na tila ba kunwari nagulat siya. "Ay wala! Wala akong nakita! Hindi ko nakita 'yung pakikipag-usap at pananakit mo sa unan, 'nak. Pramis! Wala talaga akong nakita!"
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Parang gusto kong maglaho dahil sa sobrang hiya. Pa'no ba magteleport?
"'Nak maiintindihan ko naman kung aaminin mo na gumagamit ka na ng ipinagbabawal na gamot, eh. Magsabi ka lang, 'nak. I won't judge you."
Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Lagi niya nalang akong hinuhusgahan, asa'n ang hustisya?
"Ma naman, eh! Grabe ka sa'ken!"
Kinunotan niya ako ng noo. Lumapit siya sa'ken at hinawakan ang balikat ko. "'Nak, kailan pa natutong tumingin at ngumiti ang unan? Paki-explain nga. Labyu."
Mas lalong naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako kaso natigil ako nung muli siyang nagsalita.
"And you also mentioned Daniel's name."