Chapter 7 : It's Not Important

282 12 5
                                    


KATHRYN'S POV

Natigilan ako sa sinabi niya. Natulala ako na para bang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa'ken.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Tatawa ba ako? Ano bang klaseng joke 'yon? Nagdrugs ba siya pagpunta niya ng Amerika?

Nyeta, ano 'yon? Nagkaamesia siya kaya niya ako nakalimutan? Pucha, ang cliché no'n, ha? Nakakatawang joke 'yon.

"Nagjojoke ka ba? Sabihin mo lang, tatawa ako." Seryosong sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Close ba tayo para magjoke ako?"

Gusto kong tusukin ang mata niya gamit itong mop na hawak ko. Siraulo siya, nagawa pang barahin ako. Tch.

Tumawa nalang ako. "Alam mo, hindi na nakakatuwang joke 'yan."

"I said I'm not joking." Straight face na sabi niya habang nakatingin sa'ken.

Nabitawan ko ang mop na hawak ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito.

Hindi ko na napigilang tumulo ulit ang luha ko. Nyemas, bakit ba kailangan lagi akong umiiyak sa tuwing kaharap ko siya?

"Hindi mo naman kailangang magpanggap, eh. Tatanggapin ko naman kahit hindi mo na ako kayang mahalin." Seryosong sabi ko sa kanya.

I bit my lip. As much as possible, pinipigilan kong humikbi. Pinipigilan ko ang sarili kong lumuhod at magmakaawa ng isa pang pagkakataon na mahalin niya ulit ako. Na magkabalikan ulit kaming dalawa.

"I said I'm sorry. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Sorry kung iniwan kita at sinaktan. Maniwala ka, pinagsisihan ko ang lahat ng 'yon. I'm sorry. I really am sorry." Pinunasan ko ang luha ko pero kahit anong punas ko, hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo nito.

Parang ang pagmamahal ko. Kahit anong gawin kong pagpipigil, hindi ko pa rin kayang ihinto. Kahit masakit para sa'ken at kahit hanggang ngayon, asang asa pa rin ako, hindi ko magawang tumigil.

Napatingin ako sa kanya. Walang bahid ng kahit anong emosyon ang mukha niya. "You know, I really don't know what you're saying. Ano ba--"

"Daniel, please. 'Wag mo naman gawin 'to, oh. Hindi mo namang kailangan tratuhin ako ng ganito, eh. Tatanggapin ko naman kahit masakit para sa'ken. 'Wag lang gan'to." Naiiyak na sabi ko.

I'm so frustrated right now. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong ganituhin. Bakit ba kailangan niyang magpanggap na hindi niya ako maalala? Para saan? Para makalimot? Para hindi na masaktan?

Okay lang naman sa'ken kung may iba na siya, eh. Kahit masakit, tatanggapin ko. Pero 'yung tratuhin ako na parang wala lang? 'Yung para bang balewala sa kanya ang lahat? Aba, iyon ang hindi ko matatanggap.

Tumingala ako para makita ang reaksyon niya. He's wearing his usual blank expression. Para bang wala siyang nararamdaman, parang pinapakita niya na wala na siyang pake sa'ken.

"Alam kong may iba ka na. Alam kong may mahal ka ng iba kaya kahit masakit para sa'ken, tatanggapin ko naman 'yon. Itigil mo lang 'to. 'Wag mo 'kong tratuhin na para bang wala lang sa'yo ang lahat lahat." Kasi mahal pa rin kita, eh. Hanggang ngayon, ikaw pa rin.

Gusto ko sanang dagdagan 'yan at sabihin ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya, na hanggang ngayon hindi pa din ako nakakamove on at siya lang ang laman ng puso't isip ko kaso, wag na siguro. Baka mas lalo lang akong masaktan.

Ilang segundo na katahimikan ang bumalot sa paligid. Nakatingin lang siya sa'ken na walang kahit anong sinasabi. Hindi ko alam pero seeing him na para bang wala na siyang pake, nasasaktan ako.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon