Chapter 26 : Jealousy

100 11 5
                                    

Nanatili akong nakatulala. Hindi ko alam pero lumipas ang araw ng mabilisan. Iniisip ko pa rin kung ano 'yung sinabi niya.

"Don't flirt with other guys after saying you love me."

Like what the hell? What does that suppose to mean?

Gulong gulo utak ko. Supposedly, wala naman dapat akong iisipin ngayon, pero ngayon feeling ko ang laki ng problema ko.

Ayan kasi problema sa kanya, eh. He's so freakin' unpredictable! Like a freakin' puzzle pieces that I need to solve!

"Auuurgh!" Napasabunot ako sa buhok ko. "Ano ba kasing ibig sabihin no'n?"

Napabuntong hininga nalang ako habang kinakausap ang sarili ko. As if namang may mapalala akong sagot kung kakausapin ko ang sarili ko.

Napaupo ako ng maayos at ipinikit ko ang mata ko. "Okay, just calm down." I said to myself.

Pagkamulat ng mata ko, agad na tumambad sa akin ang mukha ng tatlong ulupong kong kaibigan.

Nakatingin sila sa'ken na tila ba mukha akong kulugo na tinubuan ng mukha.

"Don't judge me." Pinanliitan ko sila ng mata. "Sino ba namang hindi matatanga kung sabihan ka ng gano'n?"

Bakas sa mukha nila ang pagtataka. "Bakit? Ano bang nangyari?"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago ko umpisahan sa kanila ang mga pangyayari kahapon.

"So iyon nga, ano bang ibig sabihin kasi no'n?" Sabi ko with matching exaggerated hands gestures.

Nagtinginan sila na tila ba ang tanga tanga ko. Binaling nila ang tingin nila sa'ken na nakakunot ang noo.

"Hindi mo alam?" Kunot noong sabi ni Nicole sa'ken.

Kinunutan ko rin siya ng noo pero tumango rin ako.

"Seryoso Kath? Hindi mo alam" Muli akong umiling sa tanong niya.

Natawa si Ellah habang umiiling iling. "Hindi ko alam kung sino sa inyong dalawa ang manhid, eh."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ellah? "Ha? Manhid? Bakit naman?"

Tinignan ako ng natatawa pa ring si Ellah. "Isn't it obvious, Kath? He's jealous!"

Nanlaki ang mata ko sa conclusion ni Ellah. Nagtinginan silang tatlo at tumango tango pa na tila ba ang tanga ko para hindi marealize.

I bit my lip. "No..." Umiling ako. "He's not."

"Then what, Kath?" Biglang sabi ni Nicole. "Asking you to stop flirting? What do you think does that mean?"

"I don't know." I sighed. "Ayokong umasa na nagseselos siya."

"Kahit na totoo naman talaga?" Sabi ni Nicks. "Oh come on Kath. I know you're not that dense. Alam mong iyon talaga iyon pero ayaw mong maniwala kasi ayaw mong masaktan."

Napabuntong hininga ako. They know me too well. Pero oo, maybe umaasa nga akong nagseselos siya, pero ayokong isipin iyon lalo na't wala namang kasiguraduhan.

"You know what?" Bumaling ng tingin sa'ken si Ellah. "Why don't you ask Daniel?"

Pinaningkitan ko sila ng mata. "Psh. As if he'll admit that."

Tumango tango si Nicole habang tumatawa. "Yah, of course he won't."

Natawa na rin ako kasi aware silang lahat sa kamanhidan ni Daniel.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon