Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon kagabi? Sinong hindi matatanga 'di ba?
Mahal pa rin kita?
Tungunu! Kahit nagkaamnesia, isa pa rin siyang malaking paasa! Leche siya! Wala pa ring nagbago! Hindi ko alam kung patuloy akong aasa dahil lang sa sinabi ng hinayupak kagabi!
Tapos ano? Kapag umasa ako, masasaktan na naman ako sa huli. Kumagat agad ako at nagpahulog sa pinapakita niyang motibo na ako lang ang nag-iisip na may iba pang kahulugan.
Lechugas Bayabas Mansanas naman! Ugh! Nakakabwiset!
"No Kathryn. You shouldn't let your hopes go high. 'Wag kang mag-iisip ng ibang kahulugan do'n." I kept chanting that to myself.
Isa lang siyang malaking paasa kaya sinabi niya iyon pero I know he didn't mean those words.
Atsaka isa pa, malaking posibilidad na pwede niya akong paglaruan lalo na't alam niya na nalimutan niya ako pero naging malaking parte ako sa buhay niya.
Pwede 'yon! Tama! Pwedeng niloloko niya lang ako para may mapagtripan siya sa mga oras na 'yon!
Hindi malabong iyon nga talaga ang plano ng hinayupak na menopause na 'yon.
Malamang sa malamang iyon nga talaga! Knowing him, malakas rin ang tama ng isang 'yon. Tch.
"Huy!"
"Ay Bayawak!"
Agad na napabalik ako sa reyalidad at tumambad kaagad sa harap ko ang tatlong ulupong na ngayo'y tinitignan ako na para bang tinubuan ako ng pigsa sa mukha.
"Ano?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
Nakita kong pinanliitan nila ako ng mata dahil sa napakabangag na tanong ko.
"Kanina pa kami nagkukwentuhan dito tapos para kang tanga diyan." Umirap sa'ken si Nicks na nakaporma na panlalaki dahil sa patuloy na pagpapanggap nila ni Ellah.
Napatango si Ellah. "Kaya nga, ba't ang lalim ng iniisip mo? Si Daniel na naman ba 'yan?"
Agad na napangiwe ako sa sinabi ni Ellah. "Tongaks! Bakit ko naman i--"
Natigilan ako noong sinamaan nila ako ng tingin na tila ba handa na silang i-hotseat ako. Napabuntong hininga nalang ako at tumango.
Tch. Mag nagsasabi sa'ken na kapag dineny ko pa, malalagot ako sa tatlong 'to.
"Ano bang nangyari? Atsaka nakita kitang sumakay sa car ni Jerome kahapon, ah?" May halong panlilisik ng mata at ngiting pinalilibutan ng kadiliman ang mukha ni Ellah.
"Oh?" Agad na singit ni Nicole. "Halaaa! Tsk tsk tsk! 'Wag mong sabihin kay Jerome ka na, ha!"
"Uy gagi!" Agad na napailing ako with matching paekis ekis na hand gestures. "Kadiri, hindi mangyayari 'yun, noh!"
"Eh bakit nga nandoon ka?" May halong panunuya ang tono nila.
Napabuntong hininga ako. "Wala, naging muchacha niya lang ako doon dahil ako ang may kasalanan kung ba't na-isprain siya."
Halos tubuan na sila ng malaking question mark sa mukha dahil sa sinabi ko. Hindi nila nagets kung ano ang tinutukoy ko.
"Huh?" Muntanga na tanong nila.
Mula akong nagpakawala ng buntong hininga. "Si Daniel, nagkalagnat siya tapos ay inalagaan ko siya kaya nagstay ako sa condo unit niya."
"Huh?!" Untas nila.
