KATHRYN'S POV"Shet. Is this real? Is this real?" Agad na napailing ako dahil sa sinabi ko at nasapok ko agad ang ulo ko. "Leche, kailan pa ako naging endorser ng Nesfruita?"
Matiwasay akong naglalakad sa may corridor para pumunta na sa detention room. Pagkatapos ngang sabihin ni ma'am na pumunta ako roon dahil leyt ako, sinunod ko naman 'yun agad. Masunuring bata naman kasi talaga ako. Hehe.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Kusang gumagalaw ang paa ko patungo sa detention room.
"Hindi ka naman masyadong excited na makita siya, noh?" Tanong ng konsensya ko.
Hindi kaya! Kinakabahan nga ako kasi after so many years, pagkakataon ko ng masolo siya.
Ay pero teka lang. H-Handa na ba talaga ako? Syet, parang 'di ko yata kaya? Kabadong kabado ako tapos namemental block pa ako.
Atsaka, paano kapag ganun rin ang mangyari? Paano kapag hindi na niya ako mahal? Paano nga kapag ganoon ang nangyari katulad ng sa panaginip ko?
Atsaka hindi ba kapag napanaginipan mo ang isang pangyayari, maaaring magkatotoo iyon at mangyari rin sa reyalidad?
Posible kayang mangyari ulit iyon? Is it a sign? A sign for me to stop? Hindi kaya sign iyon para tumigil na ako sa kahibangan ko?
Agad na umiling ako at sinampal sampal ang sarili ko. Ugh! Akala ko ba nafinal ko na? 'Di ba titigil na ako at magsisimula na akong magmove on kapag nangyari iyon?
Napabuntong hininga ako. Oo, tama nga. Ganoon nga ang gagawin ko if ever mang bastedin niya ako. Naks. Lul. Gwapo niya naman ata? Tss.
Hakbang lang ako ng hakbang. Bawat hakbang ko, napapalunok ako ng laway. Nasa baba lang kasi ang detention room kaya sobrang lapit lang. Noong marating ko na ang pinakababang palapag, napatigil ako sa paglalakad.
Mula rito, tanaw na tanaw ko na ang pintuan ng detention room. Konting split, kembot at thumbling nalang ay mararating ko na ito.
Napalunok ako ng laway noong makaramdam ako ng kaba. Naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Shet. Hindi ko na kayang tumuloy. Parang 'di ko ata kaya? Kinakabahan ako, nyemas.
Umiling iling ako at sinampal ko ulit ang sarili ko. Hindi pwede! Nandito na ako kaya wala ng atrasan 'to! Kailangan ko na siyang harapin, hindi pwedeng tago lang ako ng tago. Mas mahihirapan lang ako.
I took a deep sigh again. Matapang kong tinignan ang detention room. Okay, this is it. This is really it! The moment of truth!
Nagsimula na akong humakbang palapit roon. Mabilis kong ginawa iyon at konti nalang ay mahahawakan ko na ang door knob. Kaso, agad na naglakad ako pabalik sa dati kong pwesto.
"Hoo. Shet. Kalma lang, Kath." Bulong ko sa sarili ko. Noong matiyak ko na kalmado na ako, muli akong lumakad papunta roon.
Kaso, napabalik ulit ako sa dati kong pwesto at lumayo sa may detention room. Shet. Natetense ako. Kinakabahan ako.
"KAYA KO 'TO!" Matapang na sigaw ko at naglakad ako palapit sa may detention room.
"Dejoke lang! Ayoko na!" Duwag na sabi ko at bumalik ulit ako sa dati kong pwesto.
"Hindi! Hindi pwede! Kailangan ko gawin 'to!" Naglakad muli ako palapit sa detention room.
"Pakshet. Hindi ko kaya!" Bumalik ulit ako sa dati kong pwesto.