Isang bahing ang pinakawalan ko. Suminghot agad ako dahil sa sipong nagbabadyang tumulo sa ilong ko.
Shet. I hate this! Bakit sa lahat ng pagkakataon, ngayon pa ako nagkalagnat. Tsk!
"Ito, may nahanap akong blanket sa may clinic." Aniya sabay hagis ng mga kumot sa may ulo ko.
"Bakit kailangan mo pang ihagis! Walangya ka!" Angal ko.
Nakita kong natigilan siya pero 'di kalaunan narinig ko ang tawa niya.
"Ang pangit ng boses mo, halatang barado ang ilong mo." Tawa niya.
Pinaikot ko lang ang mata ko dahil sa pang-iinsulto niya.
Leche siya, kung siya kaya ang magkaganito. Ang hirap kayang huminga! Tsk!
Muli akong bumahing. Nag-echo ang bahing ko sa loob. Narinig kong natawa ulit siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Tumawa siya. "Ang cute ng bahing mo."
Namula naman ang mukha dahil sa simpleng compliment na 'yon. Naconcious agad ako sa bahing ko.
"Sana naging bahing ka nalang." Dagdag niya kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin. Natawa ulit siya.
Bwisit. Sabi na may karugtong 'yon, eh! Asa pa 'ko eh si Daniel nga pala 'yan. Magaling magpakilig pero mas magaling mambwisit. Tch.
"Teka, balik lang ako sa clinic. Maghahanap ako ng spare clothes atsaka gamot." Tumayo siya at tumalikod sa'ken. "Pati na rin unan."
"Unan? Para saan?" Napataas ang kilay ko.
Lumingon siya at ngumisi. "Para komportable."
Matapos iyon, naglakad na siya ulit. Ilang segundo bago magsink-in sa akin ang sinabi niya.
Asdfghjkl! K-Komportable?
Napalunok ako ng laway noong may biglang pumasok na imagination sa utak ko.
Agad na umiling iling ako at napapikit ng mariin. Sinapo ko ang ulo ko.
"Ugh! Stop with the thoughts!" Sinapo ko muli ang ulo ko.
Natigil ako noong maramdaman kong may unan na tumama sa ulo ko.
Kinuha ko ang unan at bumaling ng tingin kay Daniel na may hawak na isa pang unan.
Umupo siya sa may tabi ko at may inabot siyang tableta sa akin. May dala rin siyang baso ng tubig na hindi ko alam kung saang lupalop niya kinuha.
"Wala akong nakitang damit, eh. Eto lang nakita ko." Inabot niya sa'ken ang gamot.
"Inumin mo 'to para bumaba 'yang lagnat mo." Seryosong saad niya.
Palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya. So he really cares, huh?
Kinuha ko ang gamot at ininom ito agad. Matapos iyon, ininom ko na ang tubig.
Nakita ko ang seryosong titig niya habang ginagawa ko iyon.
"B-Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
Nakita king umiling siya. Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang labi. Bahagyang natawa siya. "So, ininom mo talaga?"
Marahan akong tumango habang nakakunot ang noo ko. "B-Bakit?
"Sinalok ko 'yan sa bowl."
Pinigilan kong ibato sa kanya ang basong hawak ko kasi alam kong nagbibiro lang siya pero walangya, ang sama ng biro niya!
Tumawa siya. "Biro lang. 'To naman."