"So when?" Ngumuso ako. "When will you let me do my plan?"
Hindi siya umimik. He bit his lip. Umiwas siya ng tingin at bumuntong hininga.
"Maybe next next Saturday."
Napangiwi ako. "Ba't parang ang tagal naman ata? Hindi ba pwedeng this Saturday nalang?"
Tumingin siya sa'ken ng ilang segundo pero nag-iwas ulit ng tingin.
"May band practice kami. We're joining battle of the bands."
Nalaglag ang panga ko. Napapalakpak ako. "Ihahanda ko na ba banners ko?"
Umiling siya at tinalikuran ako. Napanguso ako. Bastusing bata talaga 'to.
"Subukan mo, papatigilan kita sa pesteng plano mo." Nakatalikod siya pero kinabahan naman ako sa threat niya sa'ken.
Napangisi ako at napakamot sa ulo ko. "Hehe. Sabi ko nga joke lang, eh."
Nagsimula na siya maglakad paalis kaya naman napabuntong hininga ako then I smiled.
Masaya ako kahit papa'no kasi bumalik na ulit sa normal. 'Yung pakikitungo namin. Walang hirap ko ng nasasabi sa kanya lahat lahat ng gusto ko.
Matapos mangyari 'yon, hindi na siya ulit nakikipaglandian. In fact ilap na siya at bumalik na sa pagiging masungit niya. I think it's better this way.
"Ay wait lang pala!" Sigaw ko. Itinakbo ko ang distansya naming dalawa. Tumigil siya sa paglalakad.
Hindi niya ako nilingon kaya kinalabit ko siya. "Huy!"
"Ano?" Hindi pa rin siya lumilingon kaya napakunot ako.
"Problema mo?" Ngumuso ako. "Ba't 'di ka humaharap sa'ken?"
Tinignan ko ang damit na suot niya. Napataas ang kilay ko dahil balot na balot ang suot niya kahit na tirik na tirik ang araw.
"Ang init init, ganyan suot mo?" May panunuya ang boses ko.
"Tss. Kung may importante kang sasabihin, sabihin mo na."
Pinaningkitan ko siya ng mata. Naglakad ako papunta sa tapat niya para maharap siya. Problema nito?
Tinignan ko siya. Bahagyang nagulat siya pero nag-iwas agad siya ng tingin. Pansin ko ang pamumula sa may bandang tenga niya.
Napakunot ang noo ko. I leaned forward para i-analyze ang mukha niya.
Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Nagulat ako ng bigla niyang tinulak ang mukha ko gamit ang palad niya.
"Aray naman!" Daing ko. "Ano bang.nangyayari? May problema ka ba?"
Inayos niya ang jacket niya at mas inangat ang zipper nito. 'Yung tipong kulang nalang matatakpan na ang kalahati ng mukha niya.
"Ano trip 'yan? Nagcocosplay ka ba?" Tanong ko.
"Tss. Stop it." Nagtama mata namin ng ilang segundo pero nag-iwas agad siya kaya mas lalong napakunot ang noo ko. "If you'll gonna say something say it already para makaalis na 'ko."
Nagbalik ako sa normal kong expression. Ngumiti ako. "Pwedeng manood sa practice?"
Kumunot ang noo niya. "No way."
"Please? Promise, hindi ako manggugulo." I pout. "I just want to see you perform."
Ngumuso ako lalo kasi mukhang alam ko na hindi siya papayag. Pero kahit hindi naman siya pumayag, maghahanap pa rin ako ng paraan para makita siya, eh. So, no choice pa rin siya.