Chapter 8 : Normal Day

280 18 15
                                    


Readers paramdam naman~ Puhlease? Para ganahan akong magupdate. :'<

-MS.17

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

KATHRYN'S POV

I really can't believe it. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko lubusang maisip kung bakit.

Bakit hindi niya ako maalala? Bakit hindi niya ako matandaan? Bakit hindi niya ako kilala?

Nyeta, ano 'to? Pagpunta niya ng Amerika para iwanan ako, naaksidente siya tapos nabagok ang ulo niya kaya ngayon wala na siyang matandaan? Punyeta, ano 'yun? Nagkaamnesia siya du'n?

Hahaha. Anong klaseng joke 'yan?! Atsaka kung maaari man magkamnesia siya, bakit ako lang 'yung hindi niya matandaan? Ano 'yon? Pili lang 'yung dapat niyang alalahanin? Atsaka punyemas na tadhana 'yan! Bakit ako 'yung kakalimutan niya eh alam niya naman kung gaano ko siya kamahal.

Nagsakripisyo rin naman ako, ah? Nasaktan din ako! Kaso bakit kailangan ko harapin 'to? Bakit kailangan mangyari sa'ken ang bagay na 'to?

Wait, hindi ko dapat sinisisi 'yung tadhana, eh. Dapat ang sinisisi ko 'yung author ng librong 'to! Ugh! Walangya ka talagang author ka! Bakit ganito ang twist ng story mo?! Nyeta, napakabago naman ng naisip mo! Grabe talaga! Sa lahat ng pwedeng maging twist, bakit kailangan magkaamnesia pa?!

Ugh! Oh ano? Mala Chichay at Joaquin ang takbo ng istoryang ito? Gano'n? Baka naman maging meteor garden ang kalalabasan neto? Sabihin mo lang, author! Sige lang! Tss.

Pero wala na rin, eh. I already gave up. Hindi ko na dapat pinoproblema 'to. Ang dapat pinoproblema ko ay kung paano magmove on. Kung paano magsimula ulit na hindi na puro Daniel ang pumapasok sa isip ko.

"Yo, girl."

Nabalik ako sa reyalidad noong marinig ko ang isang lalaking boses. Halatang pilit ang boses na iyon kaya naman agad kong narecognize kung kanino galing 'yon.

"Ano bang problema mo, Ni---Ay sorry! Akala ko ikaw 'yung baklang kaibigan ko. S-Sino ka?"

Nagulat ako kasi alam ko kay Nicks na boses iyon eh. Akala ko tuloy siya. P-Pero sino 'to?

Napatingala ulit ako para tignan ang lalaki na hanggang ngayon ay nakatayo sa harap ko. Isang lalaki na sobrang gwapo at ang lakas ng dating. Mukha siyang action star dahil nakaleather jacket pa siya na itim tapos nakashades pa.

Nakita kong natawa siya tapos umupo siya sa harap ko. Nakita ko na agaw atensyon siya sa loob ng canteen dahil halos lahat ng estudyante ay napapatingin sa kanya. Nailang ako kasi halos lahat ng mata ay nakatingin sa amin dahil sa nasa iisang table lang kami.

"Sorry pero kilala ba kita?" Naguguluhang tanong ko.

Eh sino ba kasing matinong tao ang makikiupo nalang basta basta? Ano 'to? Feeling close si koya? Ang gwapo niya naman para maki-FC bigla.

Nakita kong napangisi siya. Hindi lang panga ko ang nalaglag kasi pakiramdam ko pati panty ko unti-unting nalaglag sa pamatay na ngiti na iyon.

"You don't recognize me?" Nakangising sabi ni kuya pogi habang nakatingin sa'ken. Agad na umiling ako bilang sagot.

Unti-unti niyang binaba ang shades na suot niya at doon na nalaglag ang panga ko.

Gulat akong napatayo sa upuan ko. "N-Nicks?!" Nakanganga pa din ako kasi hindi ako makapaniwala sa bagong anyo ng bruha.

"Kingina! Anong masamang espiritu ang sumapi sa'yo at naging lalaki ka?!" Gulat na bulalas ko habang tinuturo siya.

Nakita kong napangiwi siya. "Nyemas kasi 'yung amazonang 'yon, eh." Inis na sabi niya.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon