KATHRYN'S POVNakatingin lang ako sa kanya habang siya ay payapang natutulog. Nakaupo ako sa tabi niya at siya naman ay himbing na himbing sa pagtulog.
Pansin na pansin ko dito ang mahahabang pilik mata niya. Pati na rin ang napakatangos niyang ilong at ang natural na mapula niyang labi.
Yung mga malalambot na labing minsan ko ng naramdaman...
Namula ako sa kung anu-anong naiisip ko. Umiling iling ako at sinapak sapak ko ang ulo ko.
Punyemas Bernardo, maghunusdili ka! 'Wag kang mahawa sa kamanyakan ng menopause na 'to! Ugh!
Tumingin ulit ako sa kanya habang nakakunot ang noo. "Alam mo. Nakakainis ka, bakit mo ba kasi ako kailangang kalimutan? Gano'n ba kita nasaktan kaya nung nagkaamnesia ka, ako lang ang hindi mo matandaan?"
Mahina lang ang bawat pagsasalita ko para hindi ko siya maistorbo sa pagtulog niya. Kahit na kating kati na akong isigaw ang lahat ng iyon sa pagmumukha niya, pinigilan ko pa rin. Tch. Baka kung saan mapunta ang usapan.
"Pero seryoso ako sa sinabi ko. Gagawin ko talaga ang lahat para maalala mo 'ko." Matapang na saad ko habang seryosong nakatingin sa kanya. Ngumiti ako ng mapait. "Ganito kita kamahal..."
"Kahit magmukhang desperada ako, wala akong pakealam. Sana lang pagbigyan mo 'ko.. please Daniel. Sana hayaan mo 'kong makabawi sa lahat ng sakit na idinulot ko." I bit my lip to supress my tears. Feeling ko tutulo na naman ang luha ko.
"Sino ka ba talaga?"
Natigil ako sa pagsasalita at nanlaki ang mata ko noong marinig ko siyang magsalita. Dumilat ang kanyang mata at dumapo agad ang tingin niya sa aking mata.
"H-Huh?" Naiilang na sabi ko. Pakinshet, mukhang narinig niya ang lahat ng sinabi ko. Ay oo nga pala, si Daniel 'to. Magaling magtulug-tulugan. Tch.
"I said, who are you?" Ang itim na itim niyang mata ay nakadapo pa rin sa'ken kaya nakaramdam ako ng ilang.
Nakakatakot ang mga tingin niya, para bang pinapasok niya buong kaluluwa ko. Nakakapanindig balahibo.
"A-Ah.. ano.. ako si Kathryn?" Mukhang tanga na sabi ko.
Tumawa ako ng hilaw para hindi maging awkward ang atmosphere pero mukhang wala pa ring epekto.
Seryoso pa rin siyang nakatingin sa'ken na para bang sinusuri ang bawat galaw ko. Napalunok tuloy ako ng laway dahil doon. Mas naging intense ang atmosphere.
Nakatingin lang siya sa'ken habang ako ay nakangisi na parang tanga na kinakabahan. Nagulat ako noong bigla siyang umupo mula sa pagkakahiga niya.
"Hindi ko maintindihan..." Seryosong saad niya. Nakatingin lang siya sa'ken at hindi ito umaalis sa mga mata ko. "Why do I feel like I know you? Bakit pakiramdam ko gusto kitang makilala? Bakit parang feeling ko naging bahagi ka ng buhay ko? "
I bit my lip. Oo, naging bahagi nga ako ng buhay mo. Ako lang naman kasi ang dating minahal mo. Kaso mukhang hindi mo na matandaan 'yon.
Napatungo ako at napapikit ng mariin. Marami akong gustong sabihin kaso alam kong kulang ang araw na 'to para masabi ko ang lahat lahat na gusto kong sabihin.
Napatingala ako noong makita ko siyang bumangon. Nanlaki ang mata ko noong unti-unti siyang humakbang papalapit sa'ken. Napaatras ako dahil doon.
He continue moving without breaking our eye contact. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Napapigil ako ng hininga.
Napatigil ako sa pag-atras noong maramdaman ko na ang pader sa may likuran ko. Napalunok ako ng laway at napatingin sa mga mata niya na seryosong nakatingin sa'ken.
![](https://img.wattpad.com/cover/38702698-288-k531852.jpg)