Chapter 32 : Who Says

125 12 12
                                    


"Pffft. Hahaha."

Tinuloy ko ang pagsubo ko ng cheesecake na kinakain ko. Noong malunok ko ito, ininom ko naman ang frappe ko.

"Ahahaha. Hahaha."

Kinuha ko ang tissue sa may gilid ng table. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ito.

"Hahahaha! Pfft!"

"Punyatera!" Rinig kong saad nila kaya napatigil ako.

Gulat na tinignan ko ang tatlong ulupong na nakakunot na ang noo na nakatingin sa akin.

I faced them with an innocent look. "Oh bakit? Problema niyo?"

"Tinatanong mo kung anong problema namin?" Halos mapatayo na si Nicks habang nakatingin sa'ken. "Kanina ka pa ho ngumingiti at tumatawa mag-isa, hindi ka ba aware du'n?!"

Nginitian ko lang siya with my most sweetest smile. "Oh? Hindi ko napansin, hahaha."

Nakita kong natigilan si Nicks sa sinabi ko. Hinilamos niya ang palad niya sa may mukha niya. "Naiistress ako, kayo na kumausap sa baliw na 'yan."

Nakita kong ngumiti si Ellah at sumubo rin ng cheesecake. "Ano pa bang aasahan natin eh alam naman natin dahil kay Daniel kaya ganyan 'yang babaeng 'yan ngayon, eh."

Tumango tango si Nicole at uminom ng chocolate shake niya. "Agree. Si Daniel lang naman nagpapabaliw diyan."

"Uy grabe kayo, ha!" Bulalas ko. "Para namang sinasabi niyo na patay na patay ako sa kanya!"

Tinignan nila ako na tila ba ang tanga tanga ng sinabi ko. "Bakit? Hindi ba?"

Ngumuso ako at uminom ng frappe. "Tch. Grabe kayo sa'ken."

Pinanliitan ako ng mata ni Ellah. Inirapan ako ni Nicks at ini-snob lang ako ni Nicole. Grabe talaga 'tong mga 'to!

"Pasalamat nga kayo nilibre ko kayo, eh!" Saad ko.

"Ay sus! Naisip mong manlibre kasi may magandang nangyari." Sabi ni Nicole.

"Kaya nga. We know you too well." Tumango tango pa si Ellah. "So ano? Anong nangyari sa inyo ni Daniel?"

Natigilan ako at namula pero hindi mawala ang ngisi ko. Nilagay ko ang takas na buhok sa may likod ng tenga ko.

"Ha? Teneteneng n'ye keng eneng nengyere? Ehehe." Pabebeng saad ko.

Kinuha ni Nicks ang tinidor niya at aakmang ipupukpok sa ulo ko. "Umayos ayos ka Bernardo! Tigilan mo 'yang kabebehan mo!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Eh keshe nemen, eh. Hihihi!"

Binato na ako ni Nicole ng tissue na nilukot niya kaya mas lalo akong natawa.

"Nyeta! Ikaw na pabebe! You na po!" Inikutan ako ni Nicole ng mata kaya natawa ako.

"Nekekeheye kese eh. Enebe! 'Weg nge keye!" Ngiting sagad gilagid ako habang sinasabi iyon kaya mas lalo lang silang nairita.

"Utang na loob ilayo niyo sa'ken 'yan. Pag 'di ako nakapagpigil, kakalimutan ko ng kaibigan natin siya." Nakaface palm na saad ni Nicks.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Oy excuse me! Baka nakakalimutan mo na ikaw ang pinakapabebe dito! Hindi lang pabebe, maharot pa!" Dinuro ko si Nicks.

Nakita ko ang pag-iinarte niya na kunwari hindi siya aware doon. Nilagay niya ang daliri niya sa may gilid ng labi niya. "Hende keye."

"Oh 'tamo! Bwisit 'di ba?" Angal ko pero natawa rin ako. Nakita kong binato rin ni Nicole ng tissue si Nicks kaya mas natawa ako.

"Parang tanga 'to. Akala mo naman bagay." Biglang komento ni Ellah kaya naman labas gilagid ang ngisi namin ni Nicole.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon