Chapter 29 : Payback

139 11 14
                                    

Maaga akong pumasok sa school. Nakaupo ako sa may bench at hinihintay si Daniel. Nakasanayan ko na simula kahapon na gawin ito.

Mayroon akong sched ng lahat ng klase niya, ninakaw ko ng hindi niya namamalayan. Bwahaha!

Napatayo na ako noong matanaw ko na siyang papasok ng gate. Nakita ko ang pigil na tilian ng iba. Naagaw niya na naman ang atensyon ng halos lahat ng tao sa campus.

Ngumuso ako. Nararamdaman ko tuloy na kailangan kong dumistansya sa kanya.

But no. Ako ata si Kathryn Bernardo. Hindi ako magpapadala sa kahit kanino.

Tumayo ako para salubungin siya ng yakap at halik, charot! Asa naman ako. Tss.

Napangiwe ako dahil nakasuot na naman siya ng jacket kahit sobrang init ng panahon.

Naglalakad na siya paalis, nasa likod niya lang ako at sinusundan siya. Hindi niya siguro napapansin ang presensya. Aish, lagi naman, eh. Tch.

Nakita kong napahawak siya sa may bandang leeg niya. May binulong bulong siya habang tinitignan ito."Shit, meron pa rin. Tsk."

Muli niyang tinaas ang zipper ng jacket para matakpan ang leeg niya.

"May rashes pa rin?" Nakita kong natigilan siya sa biglang pag-imik ko. Nilingon niya ako. Hindi ko alam kung ako ba 'to o namumula talaga ang mukha niya.

Nag-iwas siya ng tingin. Tinuloy niya ang paglalakad niya, sumunod lang ako.

Hindi siya nagsasalita pero mukhang alam niya na sinusundan ko siya. Ngumuso ako bago ko pa naisip na higitin ang jacket niya.

Narinig ko ang pabulong na pagmumura niya dahil sa ginawa ko. Agad na hinarap niya ako pero malayo ang distansya namin sa isa't isa.

"What the hell do you want?" Untag niya na may gulat na reaksyon.

Gusto kong matawa dahil do'n. What a reaction. Minsan ko lang makita na ganito siya, nakakatuwa lang.

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti. "I just want to check kung may rashes pa."

Kinunotan niya ako ng noo na para bang ang tanga ng sinabi ko. Bumuntong hininga siya at inayos ulit ang jacket niya.

"These ain't rashes." Matigas na Ingles niya. "And you don't have to know what these are."

Nakita ko ang pamumula sa may bandang tenga niya. He's embarass? With what? Eh rashes lang naman, ba't big deal sa kanya?

Nakita kong tinalikuran na niya ako at naglakad na paalis.

Pero teka? Hindi raw rashes? Eh ano pala?

"Kung 'di rashes 'yan, ba't ka may ganyan?" Nagtatakang tanong ko.

Napahinto siya sa paglalakad. Nilingon niya ako at seryoso ang tingin niya sa'ken. Sobra ang pagtitig niya sa'ken kaya napalunok ako ng laway.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may atraso ako sa kanya pero hindi ko maisip kung ano 'yun.

Lumapit siya sa'ken. Huminto siya sa may harapan ko. Ngumisi siya at binaba ang zipper ng jacket.

Pinakita niya ang malilit na pula na parang pantal sa may bandang leeg niya. "Tingin mo, ano 'to?"

"Uh.. rashes?" Diretsong sagot ko.

Bumuntong hininga siya. Napaface palm siya pero binaling niya ulit ang tingin niya sa'ken.

"I already told you that these are not rashes." Muli siya lumapit sa'ken. This time, sobrang lapit. He leaned forward.

Halos mahugot ko ang hininga dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin. He leaned much more. Hinilig niya ang mukha niya sa may bandang balikat ko.

COME BACK PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon