Nakaawang pa rin ang labi ko dahil sa mga nangyayari. Hindi pa lubos na nagsink-in sa akin at gulantang pa rin ako.
Napatingin ako sa kanilang dalawa na kasalukuyang matatalim ang tingin sa isa't isa. 'Yun nga lang, si Daniel, nakangisi.
I can feel the tension between them. Pakiramdam ko, ako pa ang mas kinakabahan sa kanila.
"Uhmm Mr. SC President?" Nagulat ako nung biglang may dumating na lalaking nakaglasses. Nakita niya ang pangyayari at natigilan siya.
Nilingon siya ni Ranz pero hindi pa rin nawawala ang inis na itsura ni Ranz. Nakita kong nagulat 'yung lalaki. Halos manlambot siya dahil sa nakita niya.
"K-Kasi po nagkaproblema po sa upcoming event ng VU...h-hindi daw po inaprubahan. K-Kailangan na daw po ng final decision, ngayon na daw po..." Natatarantang pagpapaliwanag nung lalaki. "K-Kung hindi raw po mabibigay 'yung final, ikakansela nalang daw po."
Narinig ko ang mapang-asar na halakhak ni Daniel. "That's unfortunate. Looks like you really have to go."
Binaling ulit ni Ranz ang tingin ni Daniel, mas masama na ito kesa sa una. "I'm not done with you."
Daniel smirked. "Oh, don't worry. I can wait."
Muling sinamaan niya si Daniel ng tingin bago pa niya ako lingunin. This time, his reaction soften.
Ngumiti siya sa'ken ng tipid. "Looks like I won't give up that easily."
Hindi ako nakareact kasi hindi ko nagets. Nakatingin lang ako sa kanya. He smiled. "I'll see you again."
Napatango na lamang ako kahit wala naman akong ideya kung ano ang tinutukoy niya. Naglakad na siya kasama nung lalaki kanina.
Naiwan na kami ni Daniel. Lutang pa rin ako. Nilingon ko si Daniel at sinamaan siya ng tingin. "You don't have to tell him that, you know."
Inalis na ni Daniel ang pagkakaakbay niya at inis na nag-iwas ng tingin. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.
Kinuha niya ang mop at tinignan ito. Nakita ko ang plastik na ngisi niya. "Why? Did I interrupt something?"
Napakunot ang noo ko. "Hindi naman kasi 'yun 'yung tinutukoy ko. Ang akin lang, hindi mo naman kailangang ipamukha sa tao na patay na patay ako sa'yo."
"Bakit? Para mabigyan mo siya ng chance? Para pwede ka niyang ligawan at maging kayo na?" Sarkastiko ang ngisi niya. "Sorry huh, looks like I ruined it."
Nalaglag ang panga ko sa pinagsasabi niya. Hindi ko lubusang maisip kung ba't siya nag-iisip ng ganun?!
Sa halos lumuhod ako sa kanya at magmakaawa. Sa bawat luhang iniyak ko para lang maniwala siya. Sa bawat sakit na ininda ko na dinulot niya. Tapos ganito?! Just what heck?!
Binaling niya ang tingin sa akin na may plastik na ngiti. "Kung gano'n naman pala ang plano mo, then might as well give up on me."
Nabitawan ko ang mop ko matapos ko marinig iyon. I bit my lip. This is nonsense. Masyado siyang mababaw para pag-isipan ako ng gano'n.
Nilingon ko siya. "What the?! Sa'n ba nanggagaling 'yang pinag-iisip mo?!"
Bakas ang frustration sa mukha ko noong tinignan ko siya. "Sa lahat ng ginawa ko, tingin mo may panahon pa akong gawin ang mga pinagsasabi mo?"
"Atsaka akala ko ba klaro na?" Seryoso ko siyang tinignan. "Akala ko ba klaro na na ikaw ang mahal ko?"
Nag-iwas siya ng tingin. Gawain niya 'yon sa tuwing sinasabi ko ang tunay kong nararamdaman sa kanya.