PROLOGUE

4.7K 135 9
                                    


PROLOGUE

Seventeen years old, iyan ang edad ko noong lakas loob 'kong sinubok ang buhay sa ibang bansa. Iniwan ko ang aking ina para lamang hindi kami magutom.

Lahat ng dokumento ko ay gawang Recto. Mula sa pekeng ID, diploma, birth certificate at ilan pang impormasyon sa akin para lamang maging legal ang pag-alis ko. Mahirap dahil iniwan ko ang buhay sa Pilipinas. Iniwan ko ang aking ina.

Iniwan sa puntong gusto ko nang iwanan ang mapait naming buhay.
Buhay ba o para kaming patay na buhay?

Nagtatrabaho pero nagugutom.

Nagtatrabaho pero nagkukulang.

Nagtatrabaho pero walang na iipon.

Nagtatrabaho para nga ba mabuhay?

Sabihin na nating mataas ang pangarap ko... ito na lang ang pinanghahawakan ko, dahil kung hindi ako mangangarap, mamatay pa rin akong mahirap.

Nabuhay na lang ba ako para mamasukan at paglingkuran ang ibang tao?

PRINCE AND THE MAID

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon