CHAPTER 5MAGKABILANG nakahawak si Althea sa laylayan ng kanyang blusa dahil sa tagal ng panahon na kanyang hinihintay. Nakalusot ang dalaga sa butas ng karayom. Seventeen years old pa lamang siya pero heto at nagawa niyang makapasok sa isang trabahong mabigat sa ibang bansa.
Kinakaban si Althea na pumasok sa loob ng mansyon kung saan doon pa rin nagtatrabaho ang kanyang ina. Bitbit niya ang passaporte at plane ticket dahil bukas ng madaling araw ang kanyang pag-alis.
"Anak, kumusta? Napadalaw ka?"
"Ma... gusto ko po sanang sabihin na." Bakas sa boses ng dalaga ang labis na kaba. "Aalis na po ako bukas," mabilis niyang sinabi pagkatapos ay ipinakita ang plane ticket.
Ilang segundo na natulala si Aling Jessy hanggang sa lumuha ito. "Anak, paano nangyari ito?"
"Ma kung ikaw lang ang kakayod, paano tayo? Naglakas loob ako na pumatol sa illegal na pagpeke ng documents para lang makaalis ako. Kung mananatili ako sa Pilipinas, walang mangyayari sa atin. Ma, ang laki ng utang natin sa boss mo. Hindi lang iyon, pwera pa sa utang natin sa lending para sa panganganak ni Athena. Ma, kung hindi ako gagawa ng paraan, mamamatay tayong mahirap pa rin."
"Pero paano ang pangarap mong makapag-aral?"
"Ang importante Ma, marunong akong magbasa at magsulat. Kaya kong mag-ingles. Hindi ako magpapahuli. Kapag nabayaran natin lahat ng mga utang. Mag-aaral ako kahit na nasa edad na ako o kahit thirty pa."
Mapait ang ngiti ni Aling Jessy habang nakayap sa kanyang anak. Gustong-gusto niyang pigilan si Althea pero wala talagang mangyayari kung paiiralin ang emosyon kapalit ang magandang oportunidad na naghihintay sa kanila.Few hours later, probinsyana pa rin ang histura ni Althea. Patingin-tingin sa eroplano habang katabi ang nagbubulungan na kasamahan. Para bang malalaglag ang puso niya nang magsimulang lumipad ang eroplano.
"Lahat ng santo sa langit. Ingatan niyo po ako! Nakakatakot palang sumakay ng eroplano!" bulong niya sa sarili habang nakapikit.
Pagkatapos ng mahabang biyahe ay sinalubong sila ng agency representative sa airport. Ang mga kasamahan niya sa eroplano ay unti-unting nawawala, lahat ay sinundo na ng kanilang mga amo hanggang sa makita ni Althea ang Filipina at may asawang taga Middle-east. Binati siya nito at isinakay sa kanilang kotse.
Kinakabahan si Althea dahil mukhang mas masungit pa ito sa amo ng kanyang ina.
Pagdating nila ng bahay, kaagad tinuro ang kanyang kwarto. Napakaliit nito at akala mo'y bodega.
"Dito ka maninirahan. Saka, kukunin ko rin ang passport mo."
"Ha? Bakit po? Ang sabi ng agency ay sa amin po ito, hindi sa amo."
"Bakit alam mo pa sa akin? Akin na!"
Sapilitan na hinatak ang passport ni Althea hanggang sa sinaraduhan siya ng pinto. Pabalang ito kaya parang hindi maganda ang kutob ng dalaga.
Umiling na lamang si Althea pagkatapos ay tinago ang ilang dokumento sa ilalim ng maleta. "Hindi, ganoon lang siguro. Hindi naman nila ako sasaktan at hindi ako gagawa ng ikagagalit nila," pilit na ngumiti si Althea hanggang sa maayos niya lahat ng gamit.
Paglabas niya ng kwarto nakahanda ang lahat ng rules and regulations ng bahay. Para bang isa itong condo na napaka laki kaya bawal magluto ng mabahong pagkain. Lalong napakarami rin polisiya na kailangan sundan. Mula sa house rules ng amo at sa pag-aayos ng kwarto.
"Palagi pala silang wala sa bahay. Napaka busy na tao naman pala ng amo ko," wika ni Althea pagkatapos ay sinimulan na pumunta ng kusina upang kumain.
Nakalagay naman doon sa kanyang maid handbook na pwede siyang kumain bago at pagkatapos magtrabaho. Konti lamang ang kinain niya pagkatapos ay sinimulan na maglinis.
She can't go outside, walang susi na pinagbilin sa kanya lalong sarado ng grills ang pintuan at kung sisilip naman siya sa bintana ay nasa tuktok sila ng building. Magkakalapit din ang terrace ng bahay.
Panay ang tingin niya sa paligid hanggang sa makita ang mga alahas at pera na nakakalat. Hindi niya ito pinakialaman at kusang pumasok na lamang ng banyo upang linisin din ito.Buong akala ni Althea na magiging madali ang buhay sa ibang bansa. Wala siyang kaibigan, hindi rin niya makuhang makapaglibot dahil doon niya napagtanto na napaka istrikto ng kanyang amo. Hanggang sa umabot ng ika-anim na buwan na siyang nasa ibang bansa pero hindi pa rin siya nakakabili ng cellphone. Lahat ng pera niya ay pinapadala sa bank account na iniwan niya sa kanyang ina.
Dumating ang gabi, mag-isa lamang si Althea sa labas ng terrace habang nagtitiklop ng damit. Hindi niya maiwasan na lumuha.
"Akala ko kapag nasa ibang bansa ka ay masaya ka na... hindi pala, ang hirap ng malayo sa pamilya. Ang hirap ng wala kang makausap. 'Yung tipong isang iyak mo lang ay matatakbuhan mo na ang magulang mo. Pero hindi ako panghihinaan ng loob, mas mahirap kung isang kahig isang tuka lang kami. Mas mahirap kung wala akong pangarap para sa sarili ko at para sa pamilya k-" Hindi natuloy ni Althea ang pagsasalita habang nakatingin sa buwan nang makarinig siya ng isang sigaw sa kabilang unit.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
Roman d'amourA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...