Chapter 3

19.2K 294 14
                                    

CHAPTER 3

   

    NAGTAKA si Aling Jessy nang makita niya ang payslip mula sa kanyang amo. Hindi siya makapaniwala na kumpleto pa rin ang isang linggo na hindi niya pinasok.

    Sa paglabas ni Aling Jessy ng silid, nagulat siyang nandoon si Althea tabi ng guwardiya habang may bitbit na libro at suot ang isang marungis na apron.

    "Althea!" sigaw ni Aling Jessy kaya naman bumilog ang mga mata ni Althea at hindi alam ang kanyang gagawin nang makita siya ng ina.

    "Mama!"

    "Pambihira ka! Bakit nandito ka? Hindi ba't may pasok ka?!" suway ni Aling Jessy pagkatapos ay hinampas ang braso ng anak.

    "Mama, may exam lang naman!"

    Nagalit pa rin si Aling Jessy pero tinawanan lamang siya ng anak. "Pambihira ka, namasukan ka ba rito? Bakit hindi ssinabi ng mga guwardya ha?"

    Muling tumawa si Althea pagkatapos ay hinubad ang apron. "At least buo ang sahod mo, Mama."

    "Ibibigay ko sa iyo 'yun anak dahil ikaw naman ang napagod."

    "Mama naman! Sa iyo 'yan! Namayat ka nga po. Saka bigyan niyo na lang po ako ng pera para bilhan ka ng vitamins."

    Natuwa naman ang mga guwardiya sa pagtatalo ng mag-ina hanggang sa napagdesisyonan ng umuwi ni Althea.

    Nagdaan ang isang buwan, papalapit na ang kaarawan ni Aling Jessy. Lahat ng inipon ni Althea ay inilalagay niya sa garapon na tinatago niya sa ilalim ng kama. Dito niya hinuhulog ang lahat ng natitirang baon at kapag siya ay may tagong sideline. 

    Ganoon pa rin ang pakikitungo ni Athena sa kanyang kapatid na si Althea. Iniirapan sa paaralan at kung akala mo'y hindi niya kadugo ang nakakasalubong. 

    Wala na rin pakialam si Althea sa kung ano-anong naririnig niya sa kapatid dahil kilala naman itong basag ulo. Madalas nga lang na pinapatawag siya ng Principal dahil tinatago rin niya sa magulang ang pakikipag relasyon nito sa kaaklaseng lalaki. Kahit ayaw niyang mabuwisit ngunit hindi niya maiwasan dahil siya sang sumasalo sa problema at kahihiyan ng kapatid. Napapadalas na rin ang paglabas-labas nito tuwing linggo at dinadahilan na siya'y nagsisimba bilang requirement sa Religion subject nila. Kahit alam naman ni Althea na lumulusot lamang ito sa pakikipagkita sa nobyo.

    "Saan ka na naman pupuntaa? Kaarawan ni Mama?" bungad ni Althea nang makita niyang nagmamadaling umalis ng bahay si Athena bitbit ang backpack.

    "Simbahan, saan pa ba?"

    "Ikaw Athena. Napapadalas na ang pakikipagkita mo kay Gino. Huwag mong subukan na..."

    "Na ano? Makipagtalik? Alam mo, Althea. Asikasuhin mo ang sarili mo. Dahil sa pagiging huwarang anak mo, mukha ka nang treinta anyos. Tabi nga!" 

    Bago tuluyang makalabas ng bahay si Athena ay hinatak ni Althea ang kamay ng kapatid. "Umayos ka, Athena. Huwag na huwag kang uuwi ng luhaan at nagsisisi dahil sa kakamadali mo. Unahin mo sana ang pag-aaral bago sa paglastod. Mahiya at maawa ka sa magulang natin. Tandaan mo at paulit-ulit kong sasabihin na ayaw lang nilang matulad tayo sa naging buhay nila."

    "Whatever!" inirapan lamang ni Athena si Althea at pabalang na inalis ang pagkakahawak nito sa kanya.

    Isang malalim na buntong-hininga ang inilabas ni Althea pagkatapos ay pumunta sa kawayan na kama. Lumuhod ang dalaga hanggang sa makita niyang sira ang takip ng garapon kung saan siya nag-iipon. Tumalbog ang puso ni Althea at doon niya nakitang barya na lamang ang natira para sa pambili niya ng regalo sa kanyang ina.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon