CHAPTER 40
Mula sa silid nina Jenny, Althea at Aling Jessy. Hindi pa rin mapalagay si Althea dahil wala pa rin text si Noah sa kanya.
“Galit ba siya? Paano pala siya uuwi? Magdri-drive ba siya ulit? Mukhang hindi pa siya okay. Nakakainis naman,” bulong ni Althea hanggang sa siya’y dahan-dahan na bumangon. Kinuha lamang niya ang cardigan ng kanyang ina pagkatapos ay naglalakad papunta sa pintuan upang tingnan si Noah.
Ilang saglit lamang ay nakarating si Althea roon hanggang sa makita niya si Noah na nakayuko habang may katabi na dalawang babae habang hinihimas ang likuran ng nobyo.
“I’m fine. Don’t worry about me,” wika ni Noah habang nakangiti.
“Pogi, tara na. Mukhang pagod kana. Saka baka mapahamak ka pa rito dahil mag-isa ka lang,” malanding sinabi ng isang babae habang ang isang kasama nito ay tila inaagaw ang atensyon ni Noah.
“Sa akin ka na sumama. Tatanggalin ko ang pagod mo, pogi. Kaya kitang dalhin sa langit,” wika nito.
“Eh kung pasamahin ko kaya kayo sa Pulis ha?!” asik ni Althea at basta hinawakan ang bote ng beer.
“Sino ka ba ha?”
“Baka tita niya?”
“Gaga! Asawa ko ’yang nilalandi niyo, mga higad! Layuan niyo nga siya kung ayaw niyong dalhin ko kayo sa impyerno!” sigaw ni Althea.
Napatayo ang dalawang babae at nagmadaling umalis dahil sa takot na baka sila’y saktan ni Althea.
“Noah! Bumangon ka nga! Hindi higaan ang lamesa!” galit na sinabi ni Althea.
“I can sleep anywhere. They can join me here, bakit pinaalis mo? Ikaw nga nagpapasama sa iba, pinagalitan kita pero ako pa ang mukhang masama.”
“Noah! Hindi ka na bata para mag tantrums! Tayo na sabi!”
“No. You go with him. Gustong-gusto nga ni Tita sa Zack na iyon. Mas mukhang pinagkakatiwalaan niya compare to me na mas nakilala naman niya noong nandoon pa kayo sa amin.”
“Alam ko nagseselos ka. Pero halika na.”
Pilit hinatak ni Althea si Noah hanggang sa tumayo ito. Dahan-dahan silang naglalakad dahil isang pagkakamali lang ni Althea ay madadaganan siya ng napakatangkad niyang nobyo.
“Bakit ka tumigil?” tanong ni Althea.
“I know that song…” Napatigil din si Althea at pinakinggan ang tumutunog sa malaking speaker. “This is the song I found on your phone. Naiwan mo kasi nakita ko na iyun lang ang lagi mong pinakikinggan.” Napangiti si Althea dahil nahihiya siya sa sinasabi ni Noah.
“I’m your first love right? Shall we dance?” aya ni Noah.
“Noah, lasing ka na kasi. Saka titilaok na ang manok!”
“Shall we?”
Kinagat ni Althea ang ibabang labi hanggang sa pinulupot niya ang magkabilang braso sa leeg ni Noah. Habang ang binata naman ay humawak sa kanyang baywang. Napapikit na lamang si Noah habang binibigkas ang bawat liriko na kanyang narinig mula sa kantang First love by (never dies) by The Boyfriends.
“Did you hear that, Althea?”
“Ang ano, Noah?”
“I’m lost without your love. I need you badly, baby.”
Napatingala si Althea nang bigkasin ni Noah ang dalawang pangungusap sa kanta. Iba ang pagtingin ni Noah hanggang sa nagtubig ang mga mata nito.
“I experienced life and death. I saw heaven and hell. I used to fight for my life just to stay here. At hindi ako nagkamali sa mga desisyon na iyon, Althea. Everything is worth it. Lahat ng naging desisyon ko noon ay may magandang resulta at hindi ko inaakala na makikilala ko ang tulad mo. That time, I was longing for love, you became my home. You light up my world, Althea. You saved me, you saved the life I really wanted to give up on. At ngayon na hawak mo ang kamay ko, hindi kita bibitiwan. I will never leave you, Althea. I’m gonna die if you leave me. Promise me, Althea. No matter what happens, you will hold my hand. We will still hold on.”
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomansaA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...