Chapter 9

12.5K 242 13
                                    

CHAPTER 9

MAAGANG bumangon si Noah dahil sa ilang katok mula sa kanyang pintuan. Inayos lamang niya ang sarili hanggang sa madatnan si Mr. and Mrs. Richards sa kanilang sala.

"Anak, you are finally awake!" bati ni Neriza.

"Good morning," bati ni Noah.

"Good to see you again, Hijo!" Masayang sinabi ni Mrs. Richards pagkatapos ay niyakap siya nito 

"Matagal ka rin hindi nagpakita sa loob ng anim na taon, kahit noong nasa America ka pa," wika naman ni Mr. Richards.

"I was busy at work. I have a meeting today. Aalis din ako," tugon ni Noah.

"Anak naman? Hindi ba't sa bahay ka lang?"

"No, I will go to the office."

"Ha? Eh hindi pa nakaayos ang office mo."

"Then I will call them to fix my office. I need to visit our publications including the indie writers. We will be having a reading platform for the readers."

Pilit na ngumiti si Noah upang makaiwas sa kanyang ina lalo na kay Mr. and Mrs. Richards.

Nagmadali si Noah na bumalik ng kanyang kwarto upang maligo hanggang sa buksan niya ang kanyang wardrobe. He chose his suit. Ngayon lamang nagsuot ng pormal si Noah ngunit pagdating sa sapatos ay mas pinili pa rin niyang mag sneakers.

Lumabas si Noah sa backdoor hanggang sa mapansin niya si Althea na inaayos ang owner nila. Magulo ang buhok nito hanggang sa mapatingin din ang dalaga sa kanya. 

Hindi pinahalata ni Althea na halos lumagkit ang paningin niya sa amo kaya inirapan niya lang ito.

Lumapit si Noah sa kanya at hinawakan ang car hood upang isara. 

"Sir sira ang makina n'yan."

"Sumabay ka na lang."

"Seryoso? Pwede po? Sige tara!"

Hindi naman nahiya si Althea at kahit gusto niyang tingnan si Noah ay pilit niyang iniiwasan na mapatingin dito.

"Ngayon ko lang nakita ang buong mukha nito. Ang panga niya ay parang inukit katulad ng mga Gods. Pagkatapos ang ilong niya napakatangos. Although matangos naman ang akin. Even his skin, pinkish. Ano kayang skin care ni Sir?"

Wala sa sarili at basta na lang sasakay sa backseat si Althea kaya pinaswitan siya ng amo.

"Psst, not there. Do I look like your  private driver? You sit in front."

Tumango na lang si Althea at nilapag ang paper bag sa paanan. Dahan-dahan din niyang sinara ang  pintuan at nilagay ang seatbelt.

"Sir sa grocery ako."

"Kabibili niyo lang nu'ng isang araw ha?"

"Sabi po kasi ni Ma'am may handaan ng dinner dahil may bisita."

"Seriously?"

"Ay hindi niyo po alam? Darating daw po ulit ang pamilyang Richards."

Mahigpit na humawak si Noah sa kanyang manibela hanggang sa nakaisip siya ng paraan.

"What time is your acquaintance party?"

"Ay? Alam mo rin? Bakit ang bisita niyo sa bahay hindi mo alam?"

"Bakit nakikialam ka? Just answer my question, Althea."

Kinagat ni Althea ang ibabang labi dahil sa sobrang kaba. "Eight po."

"Okay. We are here."

Kaagad bumaba si Althea ng sasakyan. "Salamat po, ingat!"

Nahiya ang dalaga kaya naman heto at nagmadali siyang tumakbo papasok ng grocery. "Bakit hindi ako makahinga? Nakaka-intimidate siya. Parang bawal naman magkamali," nagkakamot ng ulo si Althea pagkatapos ay nagsimulang bilhin lahat ng kailangan sa bahay.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon