Chapter 32

2K 113 13
                                    

CHAPTER 32


PAG-UWI ni Althea sa quarters, inilatag niya sa kama ang uniporme na susuotin sa mansyon. Inayos din niya ang lumang cellphone upang tawagan ang kanyang ina.

"Anak? Naku, naunahan mo akong tumawag!"

"Mama, kumusta? Hindi po ako nakadalaw kanina dahil sobrang busy. Saka po pala bukas may duty ako sa birthday ni Ms. Olivia."

"Okay lang anak. Binibisita ako ni Zack dito. Kanina nga nandito siya at tinulungan pa ako sa laundry. Naku talaga! Kung dalaga lang ako magkakagusto ako sa guwapong bata na ito. Saka botong-boto ako sa kanya!"

"Mama naman! Kinikilig ka pa sa edad mo?" malokong tanong ni Althea.

"Naku, Thea! Na miss ko lang ang tatay mo. Ganito ka gentleman, pinagdadalhan ng pagkain, inaalagaan at higit sa lahat pinagtatanggol. Kaya kapag nanligaw si Zack sagutin mo kaagad ha?"

"Mama, magkaibigan lang po kami."

"Sus! Huwag kang magkakamali na magkagusto sa amo mong si Noah! Matapobre ang pamilya. Kahit siya matapobre!"

"Mama, hindi naman po. Maayos naman po ang pakikitungo niya sa akin."

"Ay basta, si Zack ang gusto ko para sa iyo. Mag-aral ka rin maigi ha? Huwag kang tutulad sa akin na marupok dahil nadaan ako ng tatay mo sa simpleng yakap, 'yun kambal agad ang anak."

Marami pang sinabing habilin si Aling Jessy ngunit biglang kinabahan at para bang nabingi ang tainga ni Althea sa sinabi ng ina.

"Nakuha sa simpleng yakap pagkatapos nabuntis? Naku, hindi naman siguro."

Pagkatapos magdamit ni Althea dumiretso siya papunta sa kusina ng mansyon. Natagpuan niya sina Manang Ingrid at iba pang katulong na naghahanda ng pagkain para sa hapunan.

"Manang Ingrid, ako na po ang maghugas ng pinggan."

"Sige. Ay, Althea. 'Yung anak pala ni Ma'am Mayuki, gustong makipaglaro sa iyo. Sa tuwing umuuwi ang batang iyan dito ay gusto ka niyang makasama kaso hindi naman kayo pinagtatagpo dahil nasa paaralan ka. Pagkatapos naman parati rin siyang nasa."

"Sige po, tapusin ko lang ito pagkatapos po ay pupuntahan ko siya."

"Naku, hindi na. Hayaan mo na lang na siya mismo ang maghanap sa iyo. Iba ang utak ni Ma'am Mayuki, baka pag-initan ka pa n'yan. Basta na ayaw nila sa iyo para kay Noah."

"Alam ko naman po 'yun. Hindi hamak na katulong lang ako at napaka layo ng mundo nila sa akin."

"Sus! Silang mag-ina oo! Pero si Noah? Imposible, Althea. Naglingkod na ako sa Italia kasama si Noah. Ni minsan hindi niya minaliit ang mga kasambahay, guwardiya at kahit ano pang trabaho na alam niyang hindi pinapasahod ng maayos ng Ate niya. Kaisa namin si Noah kaya kapag may kalokohan na ginagawa ang batang iyon, si Manong Boyet ang numero uno niyang diary."

"Ang OIC guard po? Aba, pinagtitripan nga po ako nu'n kapag nakikita niya ako."

"Best friend ni Noah si Manong Boyet. Kapag kasi tatakas ang batang iyon, sigurado si Manong Boyet ang salarin kaya ilag din si Ma'am Neriza kay Manong Boyet dahil malakas ang kapit niya kay Noah. Kaya masuwerte ka dahil pinagkakatiwalaan ka ni Noah. Mukha lang talaga siyang masungit pero Prinsipe talaga siya."

Biglang napakamot ng ilong si Althea hanggang sa mapangiti ito. Hindi niya alam kung kinikilig ba siya na malaman ang mga ginagawa ni Noah noon hanggang sa magulat silang lahat sa pagdating ni Neriza.

"Puro tsismisan na lang ba kayo rito? Paparating na ang bisita! Althea! You clean the comfort room! Pambihira puro ka tsismis!" sigaw ni Neriza.

"Manang Ingrid, mamaya po tayo ulit mag tsismisan. May asungot na po," mahinang sinabi ni Althea kay Manang Ingrid bago siya tuluyang pumunta sa stock room upang kunin ang panlinis ng banyo.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon