CHAPTER 12
PAGBALIK ng mansyon. Para bang nakakita ng multo si Althea dahil biglang sumulpot sa kusina si Noah. Inirapan niya ito hanggang sa makita ang bata na tumakbo papalapit kay Noah.
"Tito Noah!"
"Hey Yuki! Ngayon ka lang umuwi?"
"Yes! I was with my dad. We played and I stayed in his condo with his wife!"
"Oh, what do you want? Are you hungry?"
"Hmm, what's inside this paper bag?"
"Nevermind about this. Gutom ka ba?"
"No! I will go to Ate Althea. Mom said she can cook whatever food she requested. I want her to be my personal nanny."
Napalunok si Althea at ngumiti sa bata. "I am your nanny here. You can request whatever you want," sabat ni Althea.
"Really? You have a nice accent! I thought maids cannot speak english."
"No, not all maids. There's always room for learning, Sir Yuki," tugon ni Althea kaya naman tumango si Yuki.
Mabilis itong tumakbo pabalik sa sala kaya naman nawala bigla ang ngiti ni Althea at muling inirapan si Noah.
Halos umakyat ang dugo ng binata dahil sa ginawa ng katulong sa kanya. Lumapit siya rito upang iparinig ang kanyang utos. "Go upstairs. Bring red wine."
"Si Aling Ingrid po ang aakyat."
"What?"
"Irerequest ko po kay Ma'am Neriza na siya na ang maglilinis ng kuwarto niyo saka magdadala ng mga gusto—"
"No! You are my maid, my personal maid and don't demand! Remember that I'm your Boss. This is my house!"
"Hindi ko naman sinabi na sa akin?" mahinang bulong ni Althea.
"I heard you, Ms. Althea. You are working here as our maid. Wala kang respeto sa amo."
"Sana po alam niyo rin ang salitang respeto para sa tulad ko!" tumaas ang tono ng pananalita ni Althea dahil pigang-piga ang pasensya niya kay Noah.
"Althea!" sigaw ni Neriza kaya naman napayuko si Althea dahil aminado naman siyang tumaas ang tono ng pananalita niya.
"Sorry po."
"Hindi porke't bata sa iyo ang anak ko ay hindi mo ito respetuhin? Ano ba ang problema mo? Boss ka na ba? Kung makapag malaki ka parang may natapos ka na ha?!"
"Mom, stop," suway ni Noah
"Sorry po. Sorry sir."
"Ayusin mo 'yang trabaho mo!" sigaw ni Neriza kaya mas napayuko sa kahihiyan si Althea.
Gustong umiyak ni Althea pero mas nananalaytay ang init ng dugo niya sa anak ni Neriza. "Kung pwede lang kitang lasunin! Nakakagigil!" bulong ni Althea.
"Follow my instruction," muling pagsasalita ni Noah bago tuluyang umakyat papunta ng kuwarto.
Sumunod na lamang si Althea pagkatapos ay lumabas ng bahay para kumuha sa storage room ng mga nakaimbak na alak.
"Huwag kang iiyak. Dapat manhid ka na sa mga insulto nila," she wiped her tears until she finally went out.
Walang ideya si Althea dahil nakatanaw sa bintana si Noah hanggang sa makapasok siya ng bahay.
Inihanda ng dalaga ang mga inuutos ni Noah bukod sa alak hanggang sa makapasok siya sa kwarto nito.
"Sir, ito na po."
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...