CHAPTER 55
Takbo nang takbo si Nicolas kasama ang mga kaklase nito sa palaruan ng eskwelahan. Kung gaano hindi makasundo sina Athena at Althea ay ganoon naman magkadikit sina Nicolas at Jasper. Magkasangga ang magpinsan at palaging magkakampi sa kalokohan.
“Anak, dahan-dahan lang!” bulalas ni Althea dahil halos malaglag ang puso niya nang makita ang anak na naglambitin sa pagitan ng duyan at padulasan.
Lumiban sa trabaho si Althea dahil gusto na muna niyang makasama si Nicolas at Jasper. Palagi na lamang kasambahay ang umaantabay sa dalawang bata kaya naman binigyan niya ng oras ang dalawang bata.
“Althea!” tawag ni Tom.
Lumingon si Althea. “Aber? Bakit ka nandito?”
“Kinausap ko kasi iyung President ng University sa kabilang paaralan, eh balak mag publish ng handbook sa Moretti. Tatlo ang branches nila kaya inaasahan kong makuha natin ang deal.”
“Wow, ang galing naman ng Senior Marketing Manager ko.”
“Aba! Siyempre! Dugong Moretti ako kahit na Cervantes ang nananalytay sa katawan ko,” napairap si Tom pagkatapos ay tumabi kay Althea.
“Alam mo, mag-asawa ka na kaya.”
“Ayoko.”
“Bakit?”
“Wala namang seryosong babae na dumadating sa buhay ko.”
“Wow! Ang drama mo! Si Jenny available!” wika ni Althea.
Biglang nagsalubong ang dalawang kilay ni Tom. “Baliw ka ba? Mas lalaki pa nga sa akin iyun kapag galit! Puwede mo naman siyang i-suggest kay Zack.”
Tumawa nang napakalakas si Althea dahil walang oras na hindi siya hahalakhak kapag kausap niya si Tom. Para bang naging kapatid na rin niya si Tom, at palagi rin nakaantabay sa kanilang dalawa ni Nicolas.
“Pero kung hindi namatay ang kapatid mo, baka siya ang niligawan ko,” seryosong sinabi ni Tom.
Unti-unting nagseryoso ang mukha ni Althea hanggang sa yumuko na lamang ito. “Kung napaaga lang ang pagsisisi ni Athena sa mga nagawa niya, baka kasama pa namin siya ni Mama. Saka paano mo naman naging type si Athena? Ubod ng sungit iyun, saka once lang kayong nagkita.”
“Actually, it wasn’t once… Maraming beses kasi nga nakikita ko na kasama niya iyung….” natigil si Tom dahil tinatantsa niya ang magiging reaksyon ni Althea. “Basta, ang amo kasi ng mukha niya. Para nga kayong pinagbiyak na puwet ng kawa.”
“Wow ha! Puwet ng kawa talaga?!”
“Pero kung papayagan mo ako, gusto kong i-adopt si Jasper.”
Bumilog ang mga mata ni Althea hanggang sa lumunok siya ng dalawang beses bago sumagot. “Seryoso ka ba?”
“Wala nga akong balak mag-asawa. I only like kids. Kaya nga kahit bugbog sarado ako kina Nicolas at Jasper, okay lang.”
“So nagaagawa kayo ni Jenny kay Jasper? Si Japser kasi gustong gusto sa bahay ni Jenny. Saka mommy na nga ang tawag niya. Bakit hindi na lang kayo? Hindi man tunay na babae si Jenny, pero iyung pusong babae at pagiging ina ay nararamdaman ni Jasper sa kanya. Lalo na kapag busy ako, si Jenny ang parating kasama ni Jasper.”
Nagkakamot ng ulo si Tom hanggang sa muling tumingin kay Althea kaya naman muling nagsalita si Althea. “Nasa sa iyo kung gugustuhin mo. Kasi nakikita ko naman at nararamdaman ko sa tuwing nag-o-open up ka sa akin about sa break ups mo, ramdam ko talagang sobra kang nagmamahal pero nasasaktan. You deserve to be happy Tom,” tinapik ni Althea ang braso ni Tom kaya naman yumuko ang binata.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...