Chapter 26

1.9K 107 15
                                    


CHAPTER 26

Pagpasok ni Althea ng mansyon nagmadali lamang siyang magpunta sa kuwarto ni Noah. Akmang kakatok ang dalaga ngunit bigla itong bumukas.

"Sir, ano po ang utos niyo?"

"Come in?"

Althea felt awkward to see her boss naked. Walang pang ibabaw na damit lalo na't pumapatak pa ang butil-butil na tubig mula sa kanyang katawan. Hindi naman makatingin si Althea dahil nahihiya rin siya sa kanilang sitwasyon.

"Kumain ka na ba?"

"Ha? Opo, kumain kami ni Zack."

"Puwede ba? Huwag mo nang banggitin 'yan?"

"Eh tinanong mo po."

"Oo at hindi lang ang sagot! Wala akong paki sa kasama mo."

"Eh bakit ka galit kung wala kang pakialam?" Mahinang bulong ni Althea."

"What did you say?"

"Wala po, ano po ang utos mo sir?"

"Let's have dinner."

"Ha? Lunch pa lang."

"L-Later," na-uutal na sinabi ni Noah. "And we are going to talk about your work as Junior Editor."

"Sir, baka naman po mahirapan ako."

"Madrigal University will send two students under my supervision. At ang iba naman sa mga Tabloid Companies for research work para na rin sa thesis niyo."

"Sir! Papayag ako kung kasama ko si Jenny!"

"So ako pa ang may utang na loob sa iyo?"

"Ha? Hindi po, kasi sabi niyo po dalawang estudyante from our University. Eh 'di mas better if magkaibigan kami mas magkakasundo kami sa research at editing!"

"Malaki rin pala ang capacity ng utak mo kahit kulang ka sa height."

"Bakit ba laging may insulto? Gano'n ba ako kapandak para maliitin mo, Sir?"

Dahan-dahan na lumapit si Noah kay Althea kaya naman napasandal ang dalaga sa pintuan.

Hindi rin alam ng dalaga kung saan siya titingin. Kapag humarap siya, makikita naman niya ang mukha at dibdib ni Noah. Kapag yumuko siya, makikita naman niya ang pang ibaba nitong natatakpan lamang ng tuwalya.

"Okay, sa mukha na lang!" she whispered.

"Stop acting like you are still the same Noah before," bulong ni Noah sa sarili dahil kating-kati ang mga labi niya na mahalikan ang maputing leeg ni Althea.

Akmang iiwas si Noah ngunit narinig nila ang malakas na katok sa labas ng kuwarto. "Noah, are you here?" tawag ni Neriza.

Dahil sa sobrang gulat ni Althea, umabante siya at natapakan ang paa ni Noah. Halos mapatili ang dalaga ngunit napigilan ito ni Noah nu'ng takpan niya ang bibig nito.

"Shhh..." Ngumiti si Noah at basta na lang binuhat si Althea.

Nagmukhang bata ang dalaga sa ginawa ni Noah dahil basta na lamang siyang binuhat at inilapag sa lamesa sa loob ng library nito.

"Quiet and stay here."

Tumango naman si Althea ngunit bago makaalis si Noah bigla niyang naramdaman ang kamay ni Althea. "Baka makita nila ako rito."

Muling lumapit si Noah upang hawakan ang pisngi ni Althea. "You are safe with me."

Paglabas ni Noah ng library room,naiwan naman si Althea na nakahawak sa kanyang dibdib. "Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?"

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon