Chapter 45

1.1K 67 11
                                    

CHAPTER 45

“Sssh, tahan na. Ipaglalaban ka ni Noah,” wika ni Jenny. 

“Althea?” bungad ni Zack hanggang sa mabigla siyang makita si Althea na nakayakap kay Jenny habang ito ay umiiyak. “What happened? Bakit ka umiiyak?” tanong ni Zack.

“Wala naman,” mahinang tugon ni Althea dahil ayaw naman niyang makigulo pa sa sitwasyon.

“Ano kamo? Zack, ininsulto lang naman siya ng matandang mayaman na iyon! Eh ano ba kung boyfriend ni Althea si Noah? Pilit kasi nilang pinagpipilitan si Noah at Olivia. Eh hindi nga siya gusto ng tao!” asik ni Jenny.

“Jenny, bakit mo sinabi?” mahinang pagkakasabi ni Althea.

Napatingin si Zack kay Althea hanggang sa nagbuntonghininga ang binata bago tuluyang sumagot. “Don’t worry about him. Kahit ano pa ang sabihin niya don’t listen to him. I can handle this. Pumasok na muna kayo sa opisina ko.”

Tumango naman si Althea pagkatapos ay sumunod kay Zack ganoon din si Jenny.

Pagpasok nina Jenny at Althea sa opisina ni Zack hindi napigilan ni Althea na magtanong sa binata.

“Ikaw ang may ari ng mall na ito?” tanong ni Althea.

Nagkatinginan si Jenny at Zack kaya naman mabilis ibinalik ng binata ang paningin kay Althea. “Yes.”

“Sabi mo sa kaibigan mo? Bakit tinago mo na sobrang yaman mo rin pala?”

“Baka kasi iwasan mo ako. Baka isipin mong lahat ng mayaman matapobre,” tugon ni Zack.

“Hindi naman sa ganoon, Zack.”

Ngumiti naman si Zack pagkatapos ay inabutan sila ng inumin. “Mr. Moretti is your boyfriend now, right?” tanong ni Zack.

Nagpanggap na nasamid si Jenny kaya naman nakuha niya ang atensyon nina Althea Zack. “Ay sorry! May plema na yata ako. Labas lang ako ha para bumili ng lozenges! Bye!” pagmamadali ni Jenny.

Para naman kakainin ng lupa si Althea dahil nahihiya siyang silang dalawa lang ni Zack sa loob ng opisina.

“The scene you’ve seen must be kept secret. Ayaw ko lang din lumabas sa kahit sino ang nakita niyo ni Jenny, Althea.”

“Ah-Eh… Oo naman.”

“Pero hindi ko hahayaan na pag-initan ka ng ungas na iyon dahil lang sa kabaliwan nilang makuha ang pinaghirapan ni Noah.”

Kunot noo si Althea at biglang lumipat ng puwesto sa tabi ni Zack. “What do you mean? Ano’ng alam mo tungkol kay Noah? Bakit? Ano ba ang interes nila bukod sa maikasal si Noah kay Olivia?”

Napatingin si Zack sa mga mata ni Althea dahil lumapit nang lumapit ang mukha nito sa kanya. Napalunok ang binata at iniwasan ang dalaga dahil sa tensyon na kanyang naramdaman. “Basta. Habang wala si Noah, nandito naman ako para sa iyo.”

“Ha?”

“I-I mean- I will protect you. Kaibigan kita syempre, ’di ba?” Tila nagsikip ang lalamunan ni Zack kaya naman niluwagan niya ang korbata pagkatapos ay uminom ng tubig.

“Zack… Salamat sa lahat ng tinulong mo sa amin ni Mama. Lalo na napakabilis lang ng pangyayari nung magkakilala tayo. Pero heto at pinagkakatiwalaan mo kami. Hindi naman kita lalayuan kahit na sabihin mong mayaman ka at may ari ng ganitong kalaking mall. Kasi nararamdaman ko naman na hindi ka katulad ng mama ni Noah na matapobre. Parang ikaw din kasi si Noah, mahinahon, medyo masungit pero mabait. Parang magkapatid nga kayong dalawa eh!” masayang sinabi ni Althea.

Napalunok si Zack pagkatapos ay hinawi niya ang buhok paitaas. “He’s so lucky to have you. Well, unlucky me cause I never had you.”

“Ano kamo?”

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon