Chapter 33

1.2K 81 5
                                    

CHAPTER 33

PAGPASOK ni Althea nang kanyang kuwarto binagsak lamang niya ang sarili sa kama habang nakatulala sa ceiling.

"Akala ko fiction lang ang pag-ibig. Totoo pala at ganito ang pakiramdam."

Hinatak ni Althea ang unan at tinakip sa kanyang mukha. Panay ang tili niya dahil sa sobrang kilig. "Ahh! Tama na! Mababaliw na ako!  Kailangan ko rin ng tiyempo kay mama kung 'di mauubos ang buhok ko sa kanya kapag nalaman niya pa sa ibang tao na boyfriend ko na si sungit!"

Tumayo si Althea upang tingnan ang kanyang sarili sa salamin ng comfort room. Nagsimula na rin siyang maligo hanggang sa ipinikit niya ang mga mata. 

Para bang may kumislap sa kanyang isipan at sumagi ang gabi na ibinigay niya ang buong sarili kay Noah. Kinagat niya ang ibabang labi hanggang sa hawakan niya ang batok.

"Hay naku, Althea. Tumigil ka, bawal ka munang mabuntis... Pero gusto ko ulit na mahalikan si Noah. Ahh!" tili niya pagkatapos ay tinakpan ang mukha. "Grabe, napaka late bloomer ko naman pala! Tama na! Nahahawa na ako kay Jenny!"

Nagmadali na magbihis si Althea hanggang sa kanyang paglabas nagulantang siya sa kanyang nakita.

"Noah?!"

"Sssh."

"Bakit basta ka na lang pumapasok sa kuwarto ko? Kahit may duplicate ka, kumatok ka naman o kaya magsabi ka. Baka maabutan mo akong hubad saka natutulog ng nakanganga."

"I heard you. Bakit ka sumisigaw sa loob ng banyo?"

"Ah-Eh-A-Ano... Malamig ang tubig."

"I'll make your body hot."

Para bang naging estatwa si Althea nang makita niyang tumayo si Noah para lapitan siya. Napatingala na lamang siya at napapikit nang hawakan ni Noah ang mukha niya pababa sa leeg.

She can feel his breath on her ears going down to her neck. Nagsitaasan ang kanyang balahibo nang maramdaman niya ang kagat nito sa kanyang balikat.

"Noah," mahina niyang sinabi.

"Are you still cold?"

"Y-Yes... Matulog na tayo."

She wants to resist but Noah starts to kiss her neck down to her breast. Napakapit si Althea kanyang balikat hanggang sa bumaba ang magkabilang kamay ng binata sa kanyang balakang.

"Matulog na tayo, maaga pa bukas."

"I'm addicted to you."

"Ohh my gosh!"

Napakaliit na lamang si Althea hanggang sa hatakin ni Noah ang manipis na tela ng kanyang pantulog. Bumalandra sa mga mata ni Noah ang makinis niyang kutis hanggang sa lumuhod si Noah upang halikan ang kanyang hita paakyat sa kanyang pagkababae.

"Noah..."

"Let's go somewhere."

Para bang binuhusan ng malamig na tubig si Althea kaya naman tinakpan niya ang sarili.

"Saan? Saka sinira mo ang damit ko! Nakakasar ka naman! Bakit hindi ka man lang maging gentleman!"

Ngumisi si Noah at basta na lang pinakialaman ang kanyang cabinet. "Wear this."

"Noah? Gabi na, saan pa tayo pupunta?"

"In my house."

Sobrang kaba ni Althea dahil basta na lamang silang lumabas ni Noah ng bahay. Nanlalamig ang buong katawan niya hanggang sa makita sila ni Manong Boyet.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon