CHAPTER 57
Unang biling sa kama ni Althea ay mukha ni Noah ang kanyang nasilayan. Hindi maiwasan ni Althea na lumuha kaya naman bumangon na lamang siya.
"Huwag ka nang umiyak, nandito na ako."
Napatingin si Althea dahil sa biglang pagsasalita ni Noah.
"Aalis na ako, kailangan ako ni Nicolas. Baka nag-aalala na sila," paalam ni Althea pagkatapos ay dinampot ang pantulog niyang nasa lapag.
"Althea, pwede bang sumama?"
"Hindi muna."
"Bakit galit ka pa rin?"
"Hindi naman sa ganoon, Noah."
Sumunod lamang si Noah hanggang sa halos atakehin sa puso si Althea dahil hindi niya namalayan na kasunod lamang niya ito.
"Ano ka ba?!"
"Tao. Buhay na buhay. Healthy at pakakasalan mo."
Pinipigilan na ngumiti ni Althea pero natalo siya dahil sa nakakalokong ngiti ni Noah.
"See? You love me. I know that. Alam ko naman na hindi ganoon kadali na patawarin ako. Pero bakit kailangan mong kontrolin pati pag ngiti mo sa akin? I wanna see that. I wanna see how you smile again because of me."
"Noah, hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Mama sa iyo. Baka magalit din siya kay Tita Ingrid, pati kina Zack at Tom. Paano si Nicolas kapag nalaman niya?"
"Tatanggapin ko naman kahit sampalin ako ng ilang beses ni Tita Jessy. Basta mapatunayan ko na lahat ng desisyon ko noon ay pinagsisisihan ko at ginawa ko iyun para na rin hindi maging delikado ang lagay niyong dalawa ni Nicolas."
Nagkakamot ng sentido si Althea hanggang sa humarap sa salamin. "Noah! Bakit may kiss mark ako sa leeg at balikat?!" Bulalas ni Althea,
"You giggled last night, I mean kaninang madaling araw. Akala ko gusto mo?"
"Makikita ito ni Jenny! May gathering sa office mamaya! And my dress is sleeveless!" Asik ni Althea. "Ano na lang ang sasabihin nu'n? You just risen from the ground then nag make love agad? Nakakainis ka naman!"
Tumawa si Noah dahil muli niyang narinig kung paano magalit ang tono ng pananalita ni Althea. Her one of a kind expression na gustong-gusto niyang nakikita lalo na't napakabilis nitong maasar.
"I miss everything about you, Althea. I hope that you miss me too. Mula kagabi wala akong naririnig na tugon mula sa iyo kung mahal mo pa ako o hindi na."
Napalunok si Althea at humarap kay Noah. "Noah, minsan hindi palaging bibig ang ginagamit para masabing mahal mo ang isang tao. It is about the feelings, Noah. At pinaramdam ko iyun sa iyo. Ilang taon akong nangungulila sa iyo. Wala akong ni sinong tinanggap na ibang lalaki. At ngayon na bumalik ka ang bilis lang kitang tinanggap muli. Kasi mahal kita hanggang ngayon. Pero hindi ganoon kadali na ipaalam ulit kay mama na nandito ka. May takot ako na baka hindi ka niya tanggapin muli. Baka magalit siya sa iyo."
Niyakap ni Noah si Althea. "I'll do my best. Maghihintay ako."
Hindi napigilan ni Althea na magtapon ng halik kay Noah. Miss na miss niya ito ng sobra.
"Noah… mahal kita, mahal na mahal kita," Mahinang sinabi ni Althea.
He smiled. "Can I kiss you again?"
"I want you to make love with me again."
Napakagat ng labi si Noah pagkatapos ay binuhat si Althea upang iupo sa lababo.
"Why here? Doon na lang," turo ni Althea sa kama ni Noah.
Hindi kumibo si Noah at tinakpan nito ang bibig ni Althea gamit ang hintuturo. He removed her clothes roughly kaya naman tumili si Althea.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...