CHAPTER 14
Hindi makakain ng maayos si Althea habang naririnig ang malambing na tawa ng babaeng kasama ni Noah. Habang si Noah naman na pasimple lamang itong nakikipagkuwentuhan.
"Olivia, I need to go," paalam ni Noah.
"Hindi mo man lang ba ako ihahatid?"
"I guess you have your own driver. Hindi ka naman aalis ng walang alalay diba?"
"Pinauwi ko na kasi."
Dinig ito ni Althea kaya naman niligpit lang niya ang kubyertos pagkatapos ay uminom ng tubig.
"Manang, kukunin ko na ang pinamili ko," panimula ni Noah.
"Ah okay po," masunurin na tumayo si Althea at binuhat ang mga gamit ni Noah. Pumunta sila ng car park at inilagay lahat sa compartment ang pinamili. Akmang sasakay si Althea ngunit nagsalita si Olivia.
"Can you go home alone? Ihahatid kasi ako ni Noah," mahinhin nitong sinabi kay Althea.
"No, she will go with us. Hahatid lang naman kita at uuwi kami," tugon ni Noah.
Umiling naman si Althea pagkatapos ay ngumiti. "Naku, okay lang Sir Noah. Mag commute na lang po ako."
"See? She can go home. Tara na, Noah!"
Tiningnan lamang ni Noah si Althea habang nahihiyang tumingin sa kanya hanggang sa tumalikod ito. Naunang sumakay sa front seat si Olivia kaya naman nakita niya ang red headphone sa front seat.
"Is this your taste now? Akala ko black and white lang?" tanong ni Olivia.
"No, not mine. Saan ba kita ihahatid?"
"Can we go to our house? Mom and Dad wa—" Hindi natuloy ni Olivia ang pagsasalita dahil pinutol ito ni Noah.
"Ihahatid lang kita. Hindi ako bababa dahil busy ako."
Napalunok si Olivia at alam niyang seryoso si Noah. Tumango na lamang si Olivia hanggang sa isandal ang sarili.
"You changed," she said.
"Changed? You know why I changed."
Yumuko si Olivia hanggang sa hindi na ito nagsalita. Para bang nabibingi si Noah sa sobrang tahimik kaya naman binilisan niya ang pagmamaneho until they reached her house.
"See you, again, Noah."
"Yeah. Take care."
Alam ni Noah na gusto siyang halikan sa pisngi ni Olivia kaya naman hindi siya nagbalak na humarap, instead yumuko siya at kunwari'y may importanteng ginagawa sa cellphone.
Until she finally left, umalis na rin si Noah at walang balak na umuwi. He decided to go to office. Gusto rin niyang i-check ang opisina kung nasunod ba ang gusto niya.
Tirik ang araw habang naglalakad pauwi si Althea. Nakalimutan niyang wala siyang dalang pitaka pati cellphone.
"Buti na lang kumain ako, kung hindi baka bulagta na ako sa kalsada," bulong ni Althea.
Hindi rin siya pinasasakay dahil sa terminal pa lang kailangan na ng pera kaya mainam na maglakad na lamang. Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad si Althea, halos mapatalon siya dahil sa isang malakas na busina ng sasakyan.
"Ay Ginoo! Ano ba ito?" reklamo niya.
"Hey, sabi na ikaw 'yan eh?"
Napanganga si Althea dahil nagkita ulit sila ni Zack. "Uy, hi!"
"Bakit naglalakad ka lang? Ang init kaya."
"Naiwan ko kasi ang pitaka ko."
"Hop in."
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...