CHAPTER 21
PAGBABA ng sasakyan ni Noah dumiretso si Althea sa quarters upang tingnan ang tatlong paper bag na binigay ni Noah. Napansin ito ni Aling Jessy kaya kaagad niyang nilapitan ang kanyang anak.
"Althea, sino ang nagbigay niyan sa iyo?"
"Si Sir Noah. Gusto niya po sana na maging Junior Editor ako sa Publishing."
"Althea... may gusto ka ba kay Sir?"
Lumaki ang dalawang mga mata ni Althea dahil sa nakakabiglang katanungan ng kanyang ina. "Hala, hindi po! Nagmamalasakit lang po siya sa atin. Alam mo naman salat tayo."
"Althea, gusto ni Ma'am Neriza na ako na lang ang maglilinis sa kuwarto ni Noah. Ayaw na ayaw ka na niyang makikita sa kuwarto ni Sir. Kilala kita anak, alam ko naman na hindi ka abusado. Lalong hindi ka magtatangka na magkagusto kay Sir."
Ngumiti si Althea. "Ma, alam ko naman po ang limitasyon ko. Isa pa, ang guwapo ni Sir Noah. Bagay na bagay niya ang pangalan na Prince. Malabo na magkagusto ang isang mayaman sa tulad ko. Katulong ang turing niya sa akin."
Tumango naman si Jessy at niyakap ang kanyang anak. "Ayaw ko lang pag-isipan tayo ng masama ni Neriza. Lalo na't hindi ka pa tapos sa pag-aaral. Kailan ba ang simula ng research subject at OJT niyo?"
"Fourth year college pa po ang practice namin. Pero po may advance research po kami, kailangan namin makahanap ng school para mag-observe, alam niyo naman po papunta na ako sa third year college. More on research work po."
Hintay nang hintay si Noah habang nakatingin sa kanyang relo. Tumapak na ng twelve thirty ng madaling araw ngunit wala pa rin Althea ang pumupunta sa kanyang kuwarto. After a few minutes hindi natiis ni Noah na kunin ang kanyang cellphone upang tawagan si Althea.
Noah
"Thea, nasaan ka?"
Mula sa quarters, sumilip lang si Althea sa bintana upang tanawin ang kuwarto ng amo. Napansin din niyang bukas pa ang ilaw nito kaya naman kahit gusto niyang pumunta para sa ipapapagawa nito, hindi rin niya magawa upang hindi magkaroon ng masamang haka-haka si Neriza.
"Anak, bakit hindi ka pa tulog?"
"Ah, hindi pa po ako inaantok."
"Sige, Patayin mo na lang ang ilaw dahil inaantok na ako," wika ni Aling Jessy pagkatapos ay nagtalukbong ito ng kumot.
Muling tumingin si Althea sa kanyang cellphone hanggang sa mapansin niyang tumatawag na si Noah sa kanya. Hindi niya alam kung paano ito sasagutin kaya naman umusog siya ng konti palayo sa kanyang ina.
"Hello, Sir?"
"Where are you? I've been waiting for you? I thought you wanted to check my journal?"
"Sir, eh kasi po sabi ng Mama mo hindi na ako puwede sa second floor. Bago na raw po kasi ang duty ko."
"Nasa akin ang payroll mo! Come here in five minutes kung ayaw mong ako mismo ang pumunta para sunduin ka!"
Kinagat na lamang ni Althea ang ibabang labi dahil sa sitwasyon. Ayaw niyang pag-isipan siya ng masama ni Neriza dahil wala naman siyang intensyon na magkagusto sa amo.
"Pambihira kasi bakit ang advance mag-isip ni Ma'am Neriza!"
Pabalik-balik naman sa Noah sa paglalakad hanggang sa napagdesisyonan niyang buksan ang pintuan upang lumabas ng kuwarto. Hindi ito nagbukas ng ilaw at diretso na lumabas ng bahay. Magkasalubong ang kilay nito hanggang sa makarating sa labas ng quarters. He took his phone to call her again.
Halos tumilapon naman ang hawak na cellphone ni Althea dahil sa sobrang kaba. "Hello po?"
"Labas, I'm waiting outside."
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
Roman d'amourA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...