CHAPTER 44
Sa pagpara ni Althea ng taxi, para bang ayaw niyang bitiwan ang kamay ni Noah nang mapansin niya ang lungkot sa mga mata nito.
“Huwag ka nang umalis,” pakiusap ni Althea.
“Babalik ako. Sa tagal kong nag-iisa at ngayon na sinasamahan mo ako, iiwan pa ba kita? Come on, just wait for me,” wika ni Noah pagkatapos ay humalik sa kanyang noo bago tuluyang sumakay ng taxi.
Naiwan si Althea na nakatayo pa rin sa kanto. Mabigat ang bawat paghinga niya dahil hindi siya komportable sa naging sagot ni Noah. Ni hindi man lang ipinaalam sa kanya ang findings ng doktor. Kaya naman heto at pumara rin ng taxi si Althea upang sumunod sa ospital.
Ilang minuto lang ang itinakbo ng orasan hanggang sa marating ni Althea ang ospital. Binalikan niya ang ward ni Noah hanggang sa nilapitan ang nurse.
“Miss! Saan po ba puwedeng malaman ang findings ni Mr. Moretti.”
“Sino po sila?”
“Girlfriend niya.”
“I’m sorry Ma’am, hindi po kami basta-bastang naglalabas ng result ng pasiyente lalo na’t bigating tao po ito.”
“Girlfriend niya po ako. Please, gusto ko lang malaman.”
Umiling ang nurse. “Pasensya na po. Sumusunod lang ako sa utos ng ospital.”
Tumango na lang si Althea hanggang sa mapansin niya si Tom.
“Sir Tom! Sir Tom!” malakas niyang tawag hanggang sa lumingin si Tom.
“Hey, Thea? Bakit ka nandito?” nagtatakang tanong ni Tom.
“Gusto ko lang kasing makita ang result ni Noah. Ayaw din naman kasing sabihin ng nurse sa akin.”
Ilang segundo na nakatitig si Tom kay Althea hanggang sa ginulat ng dalaga ang binata. “Huy! Natulala ka? Okay ka lang?”
“Ah! Yes, I’m okay! Okay lang si Noah. Over fatigue lang dahil sa trabaho niya. Nothing to worry about, Thea.”
“Sigurado ka?”
“Oo naman. Pauwi ka na rin ba? Gusto mo bang sumabay?”
“Sige.”
Sa pagsakay nila ng sasakyan, tahimik lang si Althea kahit na napakaraming katanungan ang pumapasok sa kanyang isipan. “Magtanong kaya ako?” bulong ni Althea sa kanyang sarili.
“Tom?” panimula ng dalaga.
“Yup?”
“Hindi naman sa panghihimasok sa buhay ni Noah. Pero gusto ko lang kasing malaman. Ano ba talaga ang rason ng paghihiwalay nila ni Olivia? Palagi niya kasing bukang bibig sa tuwing nagagalit siya na hindi siya sinamahan ni Olivia nu’ng mga panahon na halos mamatay na siya. Na aksidente ba si Noah?”
“Ha? Hindi siya na aksidente.”
“May sakit ba si Noah? Kasi sa mga narinig ko iyun ang dahilan kung bakit lumayo si Olivia sa kanya.”
“Wala siyang sakit, Althea. Huwag na nating pag-usapan ang bagay na ito. Privacy na ni Noah ang bagay na iyun kaya ayaw ko rin makialam at magsabi sa iyo.”
Pilit na ngumiti si Althea hanggang sa maibaba siya sa kanilang kanto. Nagpaalam lamang si Althea pagkatapos ay dumiretso na ito sa kanilang bahay.
“Nakaalis na ba si Noah?”
“Ewan ko po sa kanya. Ni paghatid sa airport hindi ko man lang nagawa. Pagkatapos hindi man lang nagtetext. Feeling ko po talaga may tinatago si Noah sa akin,” wika ni Althea pagkatapos ay umupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomansaA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...