Chapter 51

1.2K 79 18
                                    

CHAPTER 51

Pagmulat ng mga mata ni Althea ay hawak pa rin niya ang kamay ni Noah. Nakatulugan niya ang pakikipag-usap sa nobyo hanggang sa mapansin niyang silang dalawa lamang ang nasa loob ng ward.

“Noah, gumising ka na. Nandito pa rin ako.”

Ang atensyon ni Althea kay Noah ay biglang nawala dahil sa pagbubukas ng pintuan. Iniluwa nito’y sina Neriza at Olivia.

“Ano’ng ginagawa mo rito?!” bulalas ni Olivia at akmang susugurin si Althea ngunit napigilan ito ni Aling Ingrid.

“Hoy mutsatsa ka?! Anong ginawa mo rito?!” sigaw ni Neriza.

“Pagod na pagod na ako sa lahat ng kabalastugan na ginagawa niyo kina Althea at Noah! Sawang-sawa na ako na inaalipusta niyo ako!” sigaw ni Aling Ingrid kaya naman nabigla si Althea dahil sa biglang pagpasok nito.

“Hoy, Ingrid, you don’t have the right to intervene! Katulong ka lang!” bulalas ni Olivia.

“Makapal talaga ang mukha mo, Olivia. May karapatan ako dahil anak ko si Noah! Kaya hinding-hindi ako magiging suportado sa iyo! Walang kasing sama iyang ugali mo!” sigaw ni Ingrid pagkatapos ay sinampal si Olivia.

“Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ni Neriza at mukhang aatakehin ng sampal si Aling Ingrid.

“Tama na!” sigaw ni Althea. “Wala ba talaga kayong respeto kay Noah? Malubha ang sakit niya pagkatapos pumarito pa kayo para mag eskandalo?! Naturingan nga kayong mayayaman at may magagarang damit, pero hindi makakaila na kasing bulok ng imbornal ang ugali nin’yo!” bulalas ni Althea.

“Thea, Aling Ingrid, Tita at Olivia?! What’s happening?” bungad ni Tom at binitiwan kaagad nito ang hawak na pagkain upang pumagitna sa komosyon.

“Palayasin mo ang dalawang katulong na iyan!” bulalas ni Neriza.

“Tita, alam mo ang katotohanan. Please, bigyan niyo naman ng respeto si Noah. May sakit ang pinsan ko, buntis ang girlfriend niya. Saka kilalang pamilya kayo para gumawa ng eksena sa ospital na puwedeng pagpiyestahan ng ibang tao! Please lang, ayoko nang masaktan pa ang pinsan ko dahil lang sa paghahangad niyo sa kapangyarihan na meroon siya. Kung para sa inyo mas importante ang pera niya, sa akin hindi dahil ’di talaga ako magkakamali na kumuha ng basbas sa awtoridad para hindi kayo makalapit kay Noah!”

Natahimik sina Neriza at Olivia habang masama ang paningin kay Althea.

“Hindi pa natatapos ang pagtutuos natin, Althea! Walang sa iyo, tatandaan mo iyan!” sigaw ni Olivia hanggang sa tuluyan silang pinalabas ng guwardiya na empleyado ni Noah.

“Bitiwan mo kami! Lalabas kami at wala kayong karapatan na hawakan kami!” sigaw ni Neriza kaya naman napatingin ang mga guwardiya kay Tom upang manghingi ng paalam. Tumango naman si Tom hanggang sa tuluyang makalabas sina Neriza at Olivia ng ward.

“Thea, hindi ka bibitiwan ni Noah kahit nakaratay pa siya r’yan naririnig ka niya at alam kong lalaban siya para sa inyo ng baby n’yo,” wika ni Tom. 

***

Mula sa prosecutors office ay tahimik lamang na naghihintay si Zack sa mga ebidensya na kanyang hiningi. He finally gave the million pesos debt contract of Mr. Richards to the police. Hirap din sa paniningil si Zack kay Mr. Richards kaya naman ginamit din niya itong dahilan upang mahuli ang taong ito.

“Zachary, maaasahan mo kami sa unang hearing,” wika ng prosecutor.

“Sana sa lalong madaling panahon.”

“Hindi na rin naman siya makakatakas ng ibang bansa dahil may letter na from the Judge. Bukod sa maliwanag na sila ang buyer ng motor. Well, salamat din sa tulong mo sa amin at hindi na kami mahihirapan na mag-imbestiga sa taong ito. Grabe at hindi rin kami makapaniwala sa laki ng pagkakautang niya sa iyo. Kaya sigurado akong related ka sa ginawa nila laban kay Aling Jessy.”

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon