Chapter 47

1.8K 101 44
                                    

CHAPTER 47

Pagbaba ng  sasakyan nina Jenny at Tom ay kaagad nilang dinala si Althea sa emergency room.

“Please, do everything that you can do!” bulalas ni Tom pagkatapos ay sinalubong si Jenny. “Just wait here, lalabas lang ako,” wika ni Tom pagkatapos ay tumango si Jenny.

Halo ng kaba ang nararamdaman ni Tom habang hawak niya ang cellphone upang tawagan si Noah.

“Pick up your fucking phone!” bulalas ni Tom at hindi niya sinukuan ang patuloy na pagtawag kay Noah.

Naka apat na pagtawag si Tom hanggang sa sagutin ito ni Noah.

“Noah?! Where the fuck are you?! Kailan ka ni Althea!” sigaw ni Tom mula sa kabilang linya.

“I need to stay he—”

“Althea is pregnant! Sobrang stress ang inabot niya sa pamilya mo at ng mga Richards! Bakit iniwan mo siya ng ganito?!” galit na sinabi ni Tom.

Halos mabitiwan ni Noah ang kanyang cellphone hanggang sa binaba niya ang linya at dinampot ang bag pati na ang kanyang wallet. After he took his important documents,  mabilis niyang tinawagan sa kabilang linya ang kanyang sekretarya para sa plane ticket pabalik ng Pilipinas.

“I need my plane ticket immediately!” wika ni Noah.

Habang nasa loob ng sasakyan si Noah ay hindi mawala sa isip niya ang  sinabi  ni Tom sa kanya. 

“Althea, I’m sorry. Babalik na ako para sa atin ng magiging anak natin.”

Mula sa Pilipinas, payapang nagpapahinga si Althea sa  loob ng ward. Unti-unting bumukas ang magkabila niyang mga mata hanggang sa makita niya ang paligid. Unang pumukaw sa atensyon ni Althea ang swero sa kanyang kamay hanggang sa napabangon siya when she realized na nasa ospital siya.

“Jenny,” tawag ni Althea hanggang sa si Zack ang pumasok sa loob ng ward.

“Finally, you are awake! Kanina ka pa natutulog. Kumusta ang pakiramdam mo?”

“Si Jenny? Si Tom? Si Mama?”

“Si Tita Jessy nasa  kabilang ward, nahimatay kasi,” mahinang tugon ni Tom kaya nabigla si Zack dahil sa biglang pagpasok nito.

“Ha? Ano ang nangyari kay mama?!” bulalas ni Althea.

“Why did you tell her? Nakita mong kababangon pa lang ni Althea, Tom?” masungit na sinabi ni Zack kay Tom.

“Hinahanap niya diba? 'Tsaka hands off p're, darating si Noah. Bawal ma-stress si Althea  kapag nagselos sa iyo,” wika ni Tom.

Napatingin si Althea kay Tom at Zack na akala mo’y sila ang mag-aaway dahil sa kanya.

“So pagseselosan ako ng pinsan mo? Hindi ko na kasalanan

Kung iniiwan na lang niya ng basta si Althea at willing akong samahan si Althea,” tugon ni Zack pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Althea.

Napasinghap si Althea nang tinapik ni Tom ang kamay ni Zack. “Tol, umayos ka.  Kapag nagalit si Noah ma-stress si Althea. Hindi pwede sa kanya ang magalit.”

“Teka, teka. Okay lang ako Tom. Sanay na ako sa stress,”

Sabat ni Althea.

“P’wes hindi na puwede ngayon. You are pregnant, Althea.”

Natulala si Althea at hindi nakaimik sa sinabi ni Tom. “Ha? Niloloko mo ba ako?” natatawang sinabi ni Althea.

Seryoso ang mukha ni Tom hanggang sa iniabot niya kay Althea ang pregnancy result. “Uuwi si Noah. I told everything to him. Hindi ko na lang alam kung anong gagawin niya sa mga Richards. Even tita Neriza and Mayuki.”

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon