Chapter 34

1.7K 105 22
                                    

CHAPTER 34

KAHIT napaka bigat ng pakiramdam ni Althea at lalong napaka sakit ng kanyang puson, pilit pa rin siyang nagbubuhat para sa mga gagamitin sa birthday ni Olivia.

"Hija, ang putla mo?" tanong ni Manang Ingrid.

"Masakit lang po ang puson ko." 

"Ay sige! Doon ka na sa loob at magkuskos ka na lang."

Pinagtulakan ni Manang Ingrid si Althea dahil kilala niya ang dalaga na matigas ang ulo at kahit may sakit pilit pa rin aakuhin ang mga mabibigat na trabaho.

Sa pagpasok ni Althea sa events place hindi niya alam kung makakaramdam ba siya ng pagseselos habang nakatingin sa monitor. It was a playview of Noah and Olivia. Ang laki rin ng litrato nilang dalawa at halatang bata-bata pa si Noah dito. Pinagmasdan ni Althea ang paligid hanggang sa makita niya ang mga pumapasok na bisita. 

Napaka ganda ng mga gown, tuxedo at ang mga histura nila na napaka gara. Ang mga alahas na nakakapagpadagdag ng kislap sa loob ng events place. Dahan-dahan na naglalakad si Althea hanggang sa matapat siya sa isang buong salamin kung saan nakapwesto ang mga pagkain o buffet para sa mga bisita. Nakita niya ang sarili suot ang puting blusa at itim na slacks. 

"You are still a maid, Althea. Balang araw kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, lahat ng bagay na hindi namin nabili ni mama ay bibilhin ko."

Isang simpleng dalaga, walang bahid ng kolorete at tanging natural niyang ganda lamang ang nagbibigay pansin sa mga bisita na kumukuha ng tubig o pagkain.

Lumipas ang ilang oras, nagsidatingan ang mayayaman na bisita. Nandoon na rin sina Neriza at Mayuki hanggang sa makita ni Althea ang magulang ni Olivia.

"Grabe ang ganda! Saka ang guwapo ng boyfriend ni Ma'am Olivia!" bulung-bulungan ng mga waitress.

"Oo nga! Bagay sila para bang Prinsipe at Prinsesa! Tingnan mo naman halos mayayaman ang bisita. Nand'yan ang Governor at ilang Senador."

"Oo, balita nga kasama ni Governor ang kabit niya."

Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Althea habang inaayos ang mga pagkain. Kung anu-ano pa ang kanyang naririnig hanggang sa magsimula ng magsalita ang host ng event. Nagsimula na rin na kumain ang ibang bisita.

"Good ev—" Hindi natuloy ni Althea ang pagsasalita nang tuluyan bumagsak ang bitbit tray of rice.

"Pambihira! Ang tanga mo naman Althea!" asik ni Neriza dahil naabutan niya ang nangyari.

"Sorry po, sorry po," paulit-ulit na paumanhin ni Althea at hindi makatingin sa babaeng kaharap. Hindi nagkakamali si Althea na si Athena ang kasama ng matandang Gobernador. Nararamdaman niya ang galit at gustong-gusto niyang batuhin ng mga kutsara ang kapatid.

"Pagkatapos mong maging pokpok, kabit ka naman ngayon?" bulong ni Althea sa sarili.

Nilakasan ni Althea ang loob at taas noo na bumalik sa trabaho. Walang pakialam si Athena kahit na mula ulo hanggang paa siyang pinagbubulung-bulungan ng mga bisita.

Pumuwesto si Althea sa pinaka dulo hanggang sa tapatan niya si Athena.

"I'm not informed, mistress ka na pala?" wika ni Althea.

Napatingin si Athena at inagaw ang sandok kay Althea, sadya niyang dinumihan ang damit ni Althea. "Ay sorry! Tatanga-tanga ka kasi, miss. Next time ayusin mong magtrabaho," pang iinsulto ni Athena.

Gustong lumaban ni Althea pero lahat ng tao ay napunta ang atensyon sa kanya. Ang puti niyang uniporme ay napaka rumi hanggang sa muli siyang mapansin ni Neriza. Alam ni Athena na ito ang amo ng kanyang kapatid kaya nilapitan niya ito.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon