Chapter 52

1.1K 84 13
                                    

CHAPTER 52

PROBLEMADO at inis na inis si Tom na pumasok ng ward dahil ang schedule ng operasyon ni Noah ay hindi available ang mga kaibigan nilang doctor.  Tatlong araw na ang nakalipas ngunit wala pa rin hakbang papunta sa operasyon nito.

“Naiinis na ako, Althea! Sila lang talaga ang dapat kong pagkatiwalaan. Sila lang ang nagbigay ng ikalawang buhay kay Noah kaya sila lang dapat ang mag opera sa kanya,” wika ni Tom.

“But I can help. May mga kaibigan akong espesyalista from United States na pwedeng mag opera kay Noah,” pag prisinta ni Zack.

Umiling si Tom. “Just leave everything to me.”

“Pero, makakatulong iyun for Noah. Kesa naman maghintay lang tayo rito. Hindi natin alam kung ano na ang nangyayari sa sistema ng katawan niya, Tom,” dagdag ni Zack.

“Can you please stop?! Alam ko ang dapat gawin!” asik nito.

“Tom, huminahon ka. Gusto lang tumulong ni Zack. Saka hindi naman pala basta-basta ang mga doktor na ipiprisinta ni Zack para kay Noah,” wika ni Althea.

“Hindi ko ipapahamak si Noah, Tom. Mark my words. Pareho lang tayo ng kagustuhan na gumaling siya,” dagdag ni Zack

Napatingin si Tom kay Zack hanggang sa naglabas ito ng napakabigat na hininga.

“Fine. Pagkakatiwalaan kita, Zack, magpasalamat ka kay Althea,” babala ni Tom kaya naman tumango si Zack.

Lahat ay pawang aligaga para sa paghahanda sa operasyon ni Noah kaya naman naiwan si Althea sa ward upang bantayan ang nobyo.

“Althea…”

Para bang tumigil ng dalawang segundo ang puso ni Althea nang marinig niya ang boses ni Noah. Binitiwan ni Althea ang hawak niyang gamit pagkatapos ay mabilis na lumapit kay Noah. 

“Noah, how are you? Ano ang nararamdaman mo? Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo? sunod-sunod na tanong ni Althea pagkatapos ay tumawag ng doctor kaya naman kaagad din itong nakapasok upang suriin si Noah.

“He’s fine, mas maigi rin na nagising na siya before the operation,” wika ng Doctor.

Hinawakan ni Althea ang kamay Noah pagkatapos ay hinalikan niya ito. “Noah, magpapagaling ka, okay?” wika ni Althea

Hindi alam ni Noah kung maiiyak ba siya dahil kahit alam na ni Althea ang kalagayan niya’y hindi pa rin ito bumbitiw at may paninindigan itong sasamahan siya hanggang sa dulo.

“Thea, Noah. Both of you need to talk. Maiwan ko na muna kayo,” si Tom.

Nang maiwan sa loob ng ward si Noah at Althea ay paunti-unting ngumiti si Noah.

“You are still beautiful, Althea.”

“Sus, namamaga ang mga mata ko at wala pa akong matinong tulog,” pag-irap ni Althea.

Bahagyang tumawa si Noah. “Thank you for not leaving me. Alam kong mabigat ang nararamdaman mo dahil hindi lang si Tita Jessy ang nasa ospital, buntis ka pa, pagkatapos dumagdag pa ako sa iisipin mo.”

Umiling si Althea pagkatapos ay pinunasan ang luha na umagos sa mukha ni Noah. “Kahit kailan hindi ka dumagdag sa problema ko. Sinamahan mo ako sa unos ng buhay ko kaya hindi ako bibitiw at sasamahan kitang lalabanan ang pagsubok mong ito.”

“Mas lalong lumalakas ang loob ko na gumaling,” wika ni Noah pagkatapos ay pilit na bumangon.

“Noah, ano’ng ginagawa mo? You should rest.”

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon