CHAPTER 27
Pagpasok ni Althea ng Madrigal University, hindi niya akalain na nandoon si Zack. May bitbit itong pagkain at isang box ng cake.
"Althea!"
"Zack. Kakikita lang natin ha?"
"Yeah, I just want to bring you food for your break later. Hindi ba't two hours and class niyo mamaya?"
"Ah oo. Salamat pala rito. Pinatataba mo naman ako."
Tumawa naman si Zack pagkatapos ay ginulo ang buhok ni Althea. "Do you have plans for tonight?"
"Ha? Meroon? Bakit?"
"Me and Jenny set dinner in my condo. I invited your Mom. I'm sorry hindi ko kaagad nasabi sa iyo."
"Mga anong oras?"
"After class, kaya balak ko sanang hintayin ka."
"Ha? Eh kasi..." Biglang kinagat ni Althea ang ibabang labi. "Hala, si Sir Noah? Eh kung isama ko kaya siya? Eh mukhang hindi naman papayag 'yun?" bulong ni Althea sa sarili.
"May pupuntahan ka ba?" tanong ni Zack.
"Hahabol na lang siguro ako. Kasi may tatapusin lang ako sa mansyon. Saka isama mo na lang din itong pagkain na binigay mo. Para kainin natin mamaya."
"Okay, cool. Just tell me kung anong oras ka namin pick-up or saan kita susunduin."
"Yes, Zack. Salamat!"
Sa pag-alis ni Zack, pumasok si Althea sa subject na Logic, inip na inip ang dalaga dahil lumiban si Jenny. "Walang hiyang bakla 'yun, hindi man lang nagsabi na absent," mahinang sinabi ni Althea hanggang sa pumasok sa kanyang isipan si Noah.
Napahawak na lamang si Althea sa kanyang dibdib gawa ng sobrang bilis ng tibok nito. "Bakit gano'n kaya ang pakikitungo ni Sir sa akin? Baka lalo kaming pag-isipan ng masama ng Mama at Ate niya."
"Ms. Althea, bakit malayo ang tingin mo? Kanina pa kita tinatawag?"
Biglang napatayo si Althea habang nagkakamot ng ulo. "Sorry po, Sir."
"In love ka na ba? Ang layo ng tingin mo, Hija."
Nagtawanan ang mga kaklase ni Althea hanggang sa ngumuso ang dalaga habang umiiling. "Hindi po, pasensya na po."
"Sige umupo ka na dahil mukhang malalim ang iniisip mo."
Lumipas ang ilang oras, natapos din ang oras ng klase ni Althea. Paglabas niya ng silid napatingin na lamang siya sa mga kaklase niyang maiingay kung mag-usap.
"Ang guwapo kasi, may naghihintay sa baba."
"Bagong estudyante kaya?"
"Baka bagong Professor?"
Para bang na intriga si Althea sa kumpulan ng mga kaklase hanggang sa makita niya si Noah na nakatayo sa gilid ng gusali. Napansin din ni Althea ang parating pagtingin nito sa relo. Nahihiya at gustong umatras ni Althea ngunit napansin din siya ni Noah.
"Psst! Althea!"
Napatingin si Althea sa mga mata ni Noah hanggang sa pinagtinginan siya ng mga kaklase.
"Ate? Boyfriend mo?" tanong ng isang kaklase ni Althea.
Akmang sasagot si Althea ngunit lumapit si Noah upang hawakan ang kamay niya. "Let's go?"
Halos magtiliaan ang mga kaklase ni Althea dahil sa kinilos ni Noah. Gustuhin man na bumitaw ni Althea, ngunit mas inunahan siya ng kilig na hindi nararapat.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomansaA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...