Chapter 22

4.1K 124 21
                                    

CHAPTER 22

Hindi makagalaw ang mga kamay ni Althea dahil sa higpit ng pagkakayakap ni Noah. Bahagya na rin siyang nahihirapan sa paghinga kaya naman napadesiyonan niyang pilitin na kumilos kahit magising pa si Noah. Pero hindi, dahil inikot siya ni Noah hanggang sa mapatagilid ang kanyang katawan. Mula sa kanyang likuran, nakayakap pa rin si Noah sa kanya.

Nararamdaman niya ang pag-amoy nito sa kanyang buhok hanggang sa may humalik sa kanyang ulo. Nagsitaasan ang balahibo ni Althea dahil hindi na tama ang ginagawa ng amo. Gusto niyang tumakas pero hindi pa rin siya hinayaan ni Noah.

Pagdating ng umaga, walang tulog si Althea dahil kahit saan lumugar si Noah, hindi pa rin siya binibitiwan ng binata.

"Gumising ka na, nararamdaman ko na ang hapdi sa mata ko, Sir."

Nagbilang lamang ng ilang minuto si Althea hanggang sa maramdaman niya ang pagluwag ng pagkakahawak sa kanya.

"Fuck!" sigaw ni Noah pagkatapos ay naitulak niya si Althea kaya naman nahulog ang dalaga sa kama.

"Aray! Sir naman! Hindi mo na nga ako pinatulog babalian mo pa ako ng katawan! Hindi pa nga okay ang leeg ko!"

"You slept with me the whole night?"

"Oo! Hindi niyo po ako pinakawalan. Hindi naman po ako ang unan niyo." Reklamo ni Althea hanggang sa tumayo ito upang damputin ang nalaglag na cellphone.

"I'm sorry. I had a nightmare last night."

"Okay lang Sir. Natapos ko na po ang lahat ng pinagagawa niyo," matamlay na sinabi ni Althea.

Para bang nawala sa sarili si Althea na lumabas bigla ng kuwarto ni Noah. Nakaligtaan niyang pinagbabawalan siyang pumunta rito kaya naman sinalubong siya ng isang malakas na sampal mula kay Neriza.

"Anong ginagawa mo sa kuwarto ng anak ko at ganiyan pa ang hitsura mo?!"

Hawak ni Althea ang kaliwang pisngi habang pinipigilan na umiyak. "Ma'am inutusan lang po ako ng anak niyo."

"You slept with my son?! Jessy! Jessy!" sigaw ni Neriza hanggang sa hatakin ang buhok ni Althea.

Hindi makakawala si Althea dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Neriza sa kanya.

"Ma'am! Wala po akong ginagawang masama!"

Nang makarating sila sa kusina, halos ilampaso ni Neriza si Althea kaya naman sumaklolo si Aling Jessy.

"Hindi ba't pinagsabihan na kita, Jessy! Lumayo ang anak mo sa anak ko! Halatang natulog ka sa kuwarto ng anak ko! Look at you, may balak ka pang akitin ang anak ko! If Noah fucked you, dahil lang 'yon sa pagiging lalaki niya, hindi dahil magkakagusto siya sa tulad mo! Huwag kang umasa dahil hampaslupa ka lang!"

"Ma'am hindi po ganoon klase ang anak ko," pagtanggol ni Aling Jessy.

"Talaga ba? Halata naman desperado ang anak mo na magkaroon ng makakabuntis sa kanyang mayaman! Both of you are fired! Bayaran niyo kaagad ang utang sa akin!"

Biglang tumayo si Althea upang hawakan ang binti ni Neriza ngunit sinipa siya nito kaya naman natamaan ang kanyang labi. Hindi nagpatinag si Althea at lumuhod sa harapan ng amo.

"Ma'am, parang awa niyo po. Ako na lang po ang alisin niyo at huwag si Mama. Hindi ko po kayang bayaran kaagad ang utang namin sa inyo."

"Malandi ka and you deserved that! Ayoko ng ahas sa bahay ko! Lumayas na kayong mag-ina, masyado niyo na akong ginagatasan! Hindi ko pinangarap na mapunta lang sa isang kasambahay ang anak ko!"

Akmang sasampalin ni Neriza si Althea ngunit nakita ito ni Noah. "Mom! Anong kaguluhan ito?!"

"At pagtatanggol mo pa ang katulong na kaladkarin na ito?!"

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon