Chapter 4

17.6K 294 15
                                    

CHAPTER 4

    NAGING maliit na salu-salo sa ospital ang kaarawan ni Aling Jessy. Lumiban muna ito sa trabaho upang maalagaan si Mang Jose. Hindi na ito kailanman makakapagmaneho dahil sa stroke na kanyang inabot. 

    "Ma, titigil na lang po muna ako sa pag-aaral para maalagaan ko si Papa."

    "Hindi! May trabaho na rin naman ako at kukuha muna tayo ng mag-aalaga sa Papa mo," tugon ni Aling Jessy.

    Umiling naman si Althea. "Ma, ang dami nating utang. Kung isa pang iisipin ang pagbabayad sa mag-aalaga kay Papa. Hindi ako papayag. Ako na lang po."

    "Anak... pa-graduate ka na."

    Para bang napipi si Althea dahil patapos na rin siya ng fourth year high school. "Sige pa, tiyagain ko muna po ang isang buwan pagkatapos, hindi muna ako tutuloy sa pag-aaral para kay Papa."

    Lumuha ang mga mata ni Mang Jose na parang ipinararating nitong huwag siyang titigil.

    "Hindi anak, basta mag-aral ka."

    "Ma naman."

    "Kukurutin kita, Althea. Huwag kang tutulad sa akin na no read no write."

    Kahit ginawang biro ng kanyang ina ang mga sinabi. Nag-iwan pa rin ito ng kurot sa kanyang puso.

   

    Nagsumikap kahit nahihirapan si Althea na pagsabayin ang pag-aaral habang inaasikaso ang kanyang ama. Balita rin sa paaralan ang hindi pagpasok ni Athena at si Gino. Kalat na kalat ang pagbubuntis nito. Lalong hindi rin maiwasan na pati siya ay kutyain na malandi dahil sa ginawa ng kanyang kapatid.

    Mula sa mansyon, nagpatuloy pa rin si Aling Jessy sa pakikisama sa kanilang amo. Madalas itong wala sa mood at silang mga kasambahay ang napagbubuntungan nito ng galit.

    "Jessy!" isang malakas na sigaw ang nagpabuhay sa dugo ni Aling Jessy kaya naman napatakbo ito papunta sa kwarto ng amo.

    "Ma'am, ano po iyon?"

    Isang malakas na sampal ang inabot ni Aling Jessy pagkatapos ay binalibag sa kanya ang ilang damit na nagkaroon ng mantsa. "Nasira ang mamahalin kong damit dahil sa kabobohan mo! Hindi mo ba alam na iba ang fabric conditioner sa mga asido ha?"

    "Sorry po, Ma'am! Sorry po."

    "Kahit kailan napaka boba mo! Ingrid! Ingrid!" muli niyang pagsigaw kaya pumasok sa loob ng kwarto ang pinaka matagal na naninilbihan sa pamilya.

    "Ano po iyon?"

    "Boba ka na nga, may dumagdag pang mas boba sa pamamahay ko! Bakit hindi mo man lang turuan si Jessy ha?!"

    "Pasensya na po, Ma'am. Hindi na po mauulit," pakiusap ni Ingrid.

    "Namumuro ka na, Jessy. Pack your things and you are fired!" sigaw ni Neriza.

    "Ma'am, parang awa mo na. Kailangan ng anak ko ang pambayad ng graduation fee. Pakiusap po. Aayusin ko po. Pinipilit ko po na maging magaling sa trabaho. Nagmamakaawa po ako, kailangan ko po ng trabahong ito," umiiyak na sinabi ni Aling Jessy habang nakaluhod.

    "Lumayas ka at huwag mo akong hawakan, hampaslupa ka!"

    "Parang awa mo na, Ma'am. May stroke po ang asawa ko at kailangan na kailangan ko po ng trabaho."

    "Hindi ko kasalanan kung dukha ka! Kasalanan mo naman."

    Hindi nkapapigil si Ingrid kaya siya naman ang nagsalita para kay Aling Jessy. "Ma'am, ikaltas niyo po sa sahod ko ang pagkakamali ni Jessy. Hindi naman po nagkukulang si Jessy sa pag-aaral kung paano po maging maayos na kasambahay. Sana po at bigyan niyo po ito ng konsiderasyon," lakas loob niyang sinabi.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon