Chapter 25

1.7K 93 10
                                    

CHAPTER 25

Kinabukasan, maagang bumangon si Althea upang ibalita sa kanyang ina ang naging pag-uusap nila ni Noah.

"Ma, ayoko man na bumalik sa mansyon pero ayoko rin naman po na mademanda tayo."

"Ako rin naman anak. Mas madali ang trabaho ko sa laundry shop ni Sir Zack."

"Pakikiusapan ko po na ako na lang."

"Pero paano ka? Baka apihin ka ni Neriza."

"Mama, lalaban ako. Pipilitin kong maghanap ng pera para makabayad at makaalis sa bahay nila. Kaya kahit hindi pa tapos ang kontrata, aalis din ako kasi pera lamang naman ang dahilan kung bakit hindi tayo makakawala sa kanila."

"Pasensya ka na anak, hindi ko na talaga kayang maglinis ng ganoon kalaki na bahay." Ipinakita ni Aling Jessy ang kamay kay Althea. Hindi na rin pantay ang pagkakabanat ng daliri nito dahil sa sobrang pagod at ilang taon na pangangatulong.

"Ma, konting tiis na lang. Matatapos na po ako at makakapaghanap ng magandang trabaho."

Mula sa mansyon, hindi makapaniwala si Neriza sa sinabi ni Noah.

"Noah, puwede kong baguhin ang kontrata!"

"But this is sealed," walang reaksyon niyang sinabi.

"Noah, magtapat ka nga. Do you like that cheap maid?!" tanong ni Mayuki.

"No. I need her in my company. She isn't just a maid. Ang utak niya ay hindi katulad ng mga tao na nagtatrabaho sa kumpanya ko. Huwag niyo akong pakialaman dahil lahat ng nangyayaring maganda sa negosyo ni Dad ay dahil sa pangangalaga ko." Pinunasan lamang ni Noah ang bibig pagkatapos ay tumayo upang iwanan sa hapagkainan ang ina at kapatid.

"Hindi ko talaga gusto na nandito si Althea! Iniisip ni Olivia na hinahayaan ko si Noah na makasama ang pangit nating katulong!" galit na sinabi ni Neriza.

"Eh kung ipahiya kaya natin, Ma?"

Napatingin si Neriza kay Mayuki. "Paano?"

"Ako na ang bahala roon, Ma. Alam mo naman na malambot ang puso ni Noah pagdating sa mga katulong. Kapag nakita niyang nahihirapan si Althea, baka baguhin niya ang kontrata at tuluyang palisin dito."

"Puwede, matalino ka talaga."

Mula sa loob ng Moretti Publishing Company, tahimik lamang si Noah habang pinapakinggan ang mga kasamahan niyang nag-memeeting. Hindi rin siya makapagsalita dahil panay ang hintay niya sa text message ni Althea.

Noah

"Where are you, Manang?"

Halos umusok ang ilong ni Althea sa sobrang inis dahil sa text ni Noah. Kasama niya ngayon si Zack sa isang coffee shop sa tapat ng Madrigal University.

"Bakit nakasimangot ka?"

"Alam mo naman ang dahilan? Kung hindi lang baon sa utang si Mama, hindi ako mag stay sa buwisit na bahay nila."

"Do you want money? I mean puwede kitang pahiramin saglit para sa akin ka na lang muna magbayad."

"Ay hindi! Kakikilala ko lang sa iyo pagkatapos utang na? Hindi at ayoko ng gan'yan."

"Hmm, sige. Pero handa naman akong magpahiram just in case you need it. At kung hindi mo na kaya na tiyagain ang pamilya nila, sabihan mo lang ako."

"Salamat, Zac—"

Hindi natapos ni Althea ang pagsasalita dahil sa muling pagtawag ni Noah sa kanya. "Zack, excuse lang ha?" paalam niya at kaagad na tumayo upang sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Where are you? Tapos na't lahat sa meeting ko, hindi ka pa tumatawag? Saan kita susunduin?"

"Hindi mo naman ako kailangan sunduin, Sir. Ihahatid ako ni Zack."

"No, you are not allowed to go with him."

"Ha? Tatay ba kita? Bye na!"

"Althe..." Halos mabato ni Noah ang cellphone dahil naiinis siyang kasama pa ni Althea si Zack.

"P're!" tawag ni Tom at kaagad na nilapitan ang kaibigan.

"Why are you here?"

Inilabas ni Tom ang isang papel at ipinakita sa kanyang pinsan. "Nagbabalik loob na ako."

Bumilog ang mga mata ni Noah dahil nagbalik kumpanya si Tom bilang Managing Lay-out artist. "For real? Bakit hindi dumaan ang approval nito sa akin?"

"Ito na, aprubahan mo na."

Tumawa naman si Noah at kaagad kinuha ang ballpen upang pirmahan. "Hey, I need to go home," pagmamadali ni Noah.

"Bakit? Ayaw mo ba ng celebration?"

"I need to see Althea."

"Althea? Teka... Teka, mukhang iba na 'yan."

"Mag-isip ka ng kahit ano. Bahala ka sa buhay mo," pagmamadali ni Noah hanggang sa tuluyan itong makalabas ng gusali.

Ilang minuto lamang ang nakalipas at nakauwi siyang muli sa bahay ngunit hindi siya dumiretso sa kanyang kuwarto kung 'di sa quarters. Pagbukas ng pintuan, bakante pa rin ito. Dismayado ang binata dahil wala pa rin si Althea. Until he decided to call her again.

Pababa naman ng kotse si Althea dahil kadarating lang niya sa mansyon. Sinalubong siya ng mga guwardiya at ilang katulong na tuwang-tuwa sa kanya.

"Manang Ingrid!"

"Namiss kita! Mabuti na lang wala ang mga bruha kaya heto at sinalubong ka namin!" tugon ni Ingrid.

"Salamat po, diretso na po ako sa quarters."

"Halika at tulungan ka na namin!" pag prisinta ng isang guwardiya.

"Hindi na po, okay lang. Salamat po!"

Nagmadali si Althea na pumasok sa loob ng quarters hanggang sa magulat siyang nakahiga si Noah. Pikit ang mga mata ni at halatang natutulog. Hindi alam ng dalaga kung papasok ba siya o hindi hanggang sa napagdesisyonan niyang pumasok na lang at ni-lock ang pintuan.

Dahan-dahan niyang inilapag ang mga gamit at binuksan ang maleta upang ilipat ang ilang damit sa maliit sa cabinet.

Gising at alam ni Noah na nasa tabi lang niya si Althea kaya naman pasimple niyang binuksan ang mga mata at sinilip ang dalaga. Maluwang ang t-shirt nito at nakatali rin ang buhok. Kitang-kita niya ang batok ng dalaga habang tumutulo rin ang pawis nito.

Ilang beses napalunok si Noah hanggang sa pinikit ang mga mata. "I think I want to kiss her neck. It sounds maniac, but no. I like to know her more than just my maid."

Dahan-dahan na lumapit si Althea kay Noah hanggang sa pagmasdan niya ito. Siniguro rin ng dalaga na tulog ito bago siya magsalita.

"Hindi naman makakaila na napaka guwapo mo. Napakabait tingnan lalo na kapag tulog. Ang tangos ng ilong, asul ang mga mata at ang labi mo... Para bang inukit ka ng Panginoon at napaka perpekto mo," wika ni Althea hanggang sa lumayo pagkatapos ay sinampal ang mukha. "Gaga, ito ang napapala ko kababasa ng mga love story! Imposible 'yun na mangyari sa akin. Tunay na Prinsipe ang kaharap ako. At sa fairytale lang ang tunay na love story."

Pilit na ngumiti ang dalaga hanggang sa tumayo ito upang pumunta ng banyo. Naramdaman niya ang labis na pawis sa likuran kaya napagdesisyonan niyang maligo.

Dinig ni Noah ang pagpatak ng tubig mula sa shower. Nailipat din si Althea ng kuwarto kaya naman mas kumpleto ito kumpara sa dati nilang quarters ni Aling Jessy.

Bumangon si Noah at kumuha ng kapirasong papel, mabilis itong nagsulat at iniwan na lamang ito sa kama.

Pagkatapos maligo ni Althea, kaagad niyang sinuot ang

Uniprome. Paglabas ng banyo, napansin na lamang niyang wala ang amo at ang papel na iniwan nito.

Noah

"Welcome back. Please proceed to my room."

"Hay, unang utos sa pagbabalik!"

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon