Chapter 41

1.2K 79 10
                                    

CHAPTER 41

“Noah, ayaw mo ba talagang magpa-test o kahit anong test pa iyan?” tanong ni Tom habang umiinom ng kape.

“Hindi ko kailangan nu’n. Okay lang ako. Sobrang galit lang talaga ako nu’ng mga oras na iyun kaya ganoon na lang ang nangyari sa akin.”

“Si Olivia, tama?”

“Yes. Anyway, this coming friday, kinakailangan kong pumunta ng Italia. Death Anniversary ni dad kaya inaasahan ako. Ikaw na muna ang bahala rito. Mag-ingat ka sa mga ahas, Tom. Alam mo naman na gustong-gustong pumasok ng mga Richards sa Moretti Publishing Company at ayaw ko iyun dahil baon sila sa utang.”

“Maaasahan mo ako, pinsan. Oo nga pala, maiba ako. Si Althea, kumusta na?”

Gugustuhin man na sumagot ni Noah sa katanungan ni Tom ngunit napag-isipan niyang huwag sagutin ang tanong nito dahil sa biglang pagdating ni Althea.

“Ay! Sorry, Sir. Ipapapirma ko lang po sana at ipapa-approve sa iyo kung okay na po ba ang report ko,” wika ni Althea.

Pinagmasdan lamang ni Noah si Althea mula ulo hanggang paa pagkatapos ay inirapan.

“Pinsan, maiwan ko na muna kayo. Baka kasi may ipapirma rin si Jenny sa akin,” wika ni Tom.

“Ah opo, naghihintay na po siya sa opisina niyo,” wika ni Althea kaya naman tumango si Tom.

Nang maiwan ang dalawa sa loob ng opisina. Para bang ang bigat ng mga paa ni Althea na lumapit sa lamesa ni Noah.

“Come here. Huwag mong sayangin ang oras ko.”

Unti-unting napanganga si Althea pagkatapos ay umiling. Lumapit siya sa lamesa ni Noah at pabalang na inilapag ang papel.

“Papirma at pa-approve.”

Basta na lang pumirma si Noah at iniwan ang  report ni Althea pagkatapos ay inilagay ang headphones sa tainga bago humarap sa computer.

“Ni hindi mo binasa? Todo effort ako na lagpas pa sa isang daan porsyento ang feedback ko sa ayos ng company mo?” asar na sinabi ni Althea.

“May sinasabi ka? Napirmahan ko na, puwede ka nang lumabas.”

“Noah, kung galit ka sa akin bakit hindi mo ako kausapin?”

“Hindi ba’t ito ang gusto mo? To protect your lovely friend’s heart? Eh ’di ba dapat professional lang tayo pag nasa trabaho? Baka may makakita rin at baka isumbong pa ako sa mama mo at mapapagalitan ka kasi hindi puwedeng masaktan ang feelings ng kaibigan mo?”

“You are being sarcastic, Noah! Nakakapikon!”

“Lumabas ka na kung tapos ka na. Marami pa akong ginagawa.”

“Kinakausap pa kita, Noah. Bakit ka naman gan’yan?”

“You just stepped down my ego, Althea. I pleaded with you to stay with me last night. Or kung ayaw mo, ihatid ka man lang ayaw mo pa rin? Hindi kita maintindihan. Na akong boyfriend mo ay kaya mong tiisin kesa sa kaibigan mong basta lang sumulpot sa mall pagkatapos close na kayo?”

“Gan’yan ka ba talaga magselos?”

“Hindi lang selos ang pinupunto ko, Althea. Mas pinapahalagahan mo pa ang feelings ng ungas na iyon kesa sa akin!”

“I’m sorry. Natakot lang kasi ako na baka ayaw ni mama sa ’yo dahil sa mama mo.”

“Pero ako hindi ako natatakot na ipaglaban ka sa kahit sino. Just leave me, busy ako.”

“I’m sorry.”

“Leave.”

“Noah, naman.”

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon