CHAPTER 8
HATAK-HATAK ni Noah ang puting bedsheet kaya naman nagtataka si Neriza dahil hindi man lang siya pinansin ng anak.
Basta itong pumunta ng kusina upang hanapin si Althea hanggang sa wala siyang napala. Lumabas ang binata at nakita niyang nakatayo ito sa may dirty kitchen habang naghuhugas ng pinggan.
"Hey, you!"
"Ay kapre! Sir!" bulalas ni Althea.
Hindi kumibo si Noah at basta na lang pinayakap kay Althea ang bedsheet kaya halos matabunan ang dalaga.
"You have menstruation. You left a bloodstain on my bed. Remove that... blood right away!"
Napayuko si Althea at hindi makatingin ang dalaga. Konti lamang ang pagsilip niya hanggang sa makita ang manipis nitong labi at matangos na ilong ngunit natatakpan pa rin ang hoodie ang mga mata nito.
"Understood?!"
Napatalon si Althea. "Opo! Opo! Sorry po!"
Sa pagtalikod ni Noah, biglang bumulong si Althea. "Galing ka rin naman sa namuong regla."
"What?!"
"Wala po! I will wash this bedsheet right away. I'm really sorry!"
Muling tumalikod si Noah hanggang sa pagbagsakan siya ng pintuan.
"Demonyong pamilya ito. Lahat na lang binabagsak ang pintuan. Buti na lang matibay ang pagkakagawa. Ay! May tagos pala ako! Buwisit na beer 'yan!"
Nagmadali si Althea sa pagligo upang labhan ang bedhseet ng amo. Hirap na hirap siyang isampay ang napakahaba at napakalaki na bedsheet.
"Laking tao naman nu'n? Halos kapantay na niya ang pintuan ng mansyon!"
Panay ang nguso ni Althea hanggang sa hindi niya alam na pinagmamasdan siya ng amo.
Ang bintana sa kwarto ni Noah ay tutok sa quarters nila Althea. Even the dirty kitchen and laundry area. Kitang-kita niya na panay ang buntonghininga nito hanggang sa mawala sa wisyo ang binata ng marinig ang isang na tunog. Sinundan niya ito at nakita ang last notification sa cellphone ni Althea bago ito ma-low battery. Pinagmasdan ito ng binata hanggang sa naghanap siya ng charger.
Naghintay lamang siya ng ilang minuto hanggang sa bumukas ang lumang android cellphone ni Althea.
"Wala man lang privacy lock?"
Pinakialaman ito ni Noah hanggang sa makita niya ang gallery nito. Puro lectures, at mukhang pinicturan na libro lamang. Marami rin illegal PDF ng mga istorya pati na ang mga libro niya kaya naman nagtaka si Noah dahil sa tuwing naglilinis ito ay nagbabasa rin pala ng libro niya at hanggang sa makita niya ang tatlong litrato ni Althea. Picture ng kanyang ama, si Aling Jessy at litrato ni Althea noong bata pa siya.
"She doesn't have the latest picture?"
Muling nakialam si Noah hanggang sa mapadpad siya sa MP3 ng dalaga.
He continued to browse her files until he didn't noticed that he smiled.
Puro lumang kanta ang nasa files nito, from 40's to 90's songs.
Sinalpak ni Noah ang earphones sa cellphone ni Althea hanggang sa marinig ang kanta na "Dancing Queen at Build me up Buttercup."
"She's so old school. Ilang taon na ba siya?"
Out of curiosity. He opened their employees' files. Doon niya na pagtanto na going thirty-two na ito.
"Her height doesn't fit her age. Pang sixteen years old at puberty stage pa. Kulang ba siya sa vitamins?".
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...