Chapter 48

1.1K 81 18
                                    

CHAPTER 48

PAYAPA na nakahiga si Althea sa kanyang kama sa kanilang tinitirahan. Nagpalabas din siya ng ospital sa kadahilanan na ayaw na niyang manatili sa roon.  Ala una ng madaling-araw ngunit ang mga mata niya ay ayaw pa rin pumikit.

“Ang sabi ni Tom, ngayong gabi ang dating Noah. Pero heto at hindi pa siya bumabalik. Nag ring na rin ang local number niya pero hindi pa rin niya sinasagot,” naiiyak na sinabi ni Althea hanggang sa napagdesisyonan niyang bumangon upang uminom ng gatas.

Madilim ang paligid hanggang sa makarating si Althea pintuan upang buksan ang ilaw ngunit bago niya ito magawa ay naaninag niya ang isang malaking anino. 

“Althea.”

“A—”

Hindi natuloy ni Althea ang pagsigaw dahil sinakop ni Noah ang kanyang labi ng isang matamis na halik. 

“Althea,” wika ni Noah pagkatapos kumawala.

“Papatayin mo ba ako?!” nanggigigil na sinabi ni Althea.

“Sorry ngayon lang ako nakauwi. May inayos lang ako sa bahay. And… Sinira ko ang doorknob niyo just to go inside secretly. Baka kasi habulin ako ng itak ng mama mo.”

“Ako ang hahabol ng itak sa iyo!” asik ni Althea pagkatapos ay tinalikuran si Noah ngunit hindi naman nagpaawat ang binata hanggang sa masundan niya si Althea hanggang sa loob ng kuwarto nito.

“Ano ba? Umuwi ka na lang! Wala ka naman pakialam sa amin diba?!”

“Hey, quiet baka palayasin ako ng mama mo.”

“Lumayas ka talaga dahil ayaw na kitang makita!”

“Seriously?”

“Oo! So kung hindi ako nabuntis hindi mo talaga ako babalikan? Hindi mo alam kung anong katarantaduhan ang kinakalat ng ex mo sa akin! Tanggap ko pa na insultuhin nila ako dahil katulong lang ako. Pero iyung gagawan nila ako ng isyu para lang hindi makapagtapos ng pag-aaral ang hindi ko kayang tanggapin! Lalo ngayon na buntis ako? Hindi ako papayag na apihin lang ng mga katulad mo! Mabuti pa si Zack hindi ako iniwan!”

Napayuko na lamang si Noah at mahigpit na hinawakan ang doorknob na sinira niya.

“Ni hindi mo ako tinatawagan, mukha akong tanga kahihintay sa iyo. Kung ano-anong paglilibang ang ginagawa ni Jenny sa akin. ’Yung ipinagtanggol ako ni Zack para lamang hindi ako maliitin ng pamilya ni Olivia. Nasaan ka nu’n? Wala hindi ba? Gustong-gusto kong malaman lahat ng tungkol sa iyo pero ang damot mo. Ni hindi mo kayang  ipagkatiwala ang puso mo sa akin. Ano ba talaga ako sa iyo? Paninidigan mo lang ba ako kasi nabuntis mo ako?”

Hindi kaagad nakasagot si Noah dahil napakaraming tumatakbo sa isip niya. 

“Hindi ka makasagot kasi iyun lang ang rason,” humikbi si Althea hanggang sa tinalikuran niya si Noah.

“I’m sorry if I look worthless. May mga bagay lang ako inasikaso para sa akin at para sa ating dalawa.”

“Ah talaga ba? Baka para sa iyo lang, Noah.”

“No, please. Hindi ganoon. I love you and I wanted to marry you. Hindi dahil buntis ka lang kung ’di mahal kita. Pero bago ko gawin iyun, gusto ko lang din kilalanin kung sino ba talaga ako? I went to Italy not just for the death anniversary of my dad. But to know who is my real mom. My biological mother.”

Napatingin si Althea kay Noah hanggang sa makita niyang nakayuko pa rin ito. 

“Neriza wasn’t my mom. May galit ako sa tatay ko kahit binigyan niya ako ng magandang buhay dahil buong akala ko, napaka samang lalaki niya pero hindi pala. Nasaktan lang siya nang husto dahil sa bagay na pilit ipinagawa sa kanya. And that was the reason kung bakit siya nagkasakit at namatay. Aling Ingrid is mom. My biological mom…”

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon