Chapter 20

12.3K 230 14
                                    

CHAPTER 20

Para bang tuod si Althea habang nakaupo sa labas ng tindahan ng ice cream. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng amo. "Ang tagal naman ng kogkog na iyon?" bulong niya hanggang sa mapalingon siyang may bitbit itong pagkain.

"You eat."

"Sir, busog pa po ako."

"Kumain ka nga," utos ni Noah pagkatapos ay inusog ang pagkain papalapit kay Althea.

Wala naman nagawa si Althea kung 'di ubusin ang banana split na nasa harapan niya. "Tapos na po. Sir gusto ko na pong umuwi," pakikiusap ni Althea.

Tumingin lamang ang binata sa kanya kaya naman pinilit itaas ni Althea ang paa ngunit natamaan niya si Noah. Yumuko ang binata hanggang sa makita ang bago niyang black shoes.

"Is it new?"

"Opo. Maganda no?"

Tumaas ang kilay ni Noah habang tinitingnan siya nito. "Hindi. Hindi bagay sa suot mo."

Napairap sa ere si Althea hanggang sa balikan niya ng paningin si Noah. "Bigay lang sa akin ito kaya kahit sabihin mong pangit, maganda pa rin sa paningin ko."

"Who bought you that?"

"Ah si Zack," maamo na sinabi ni Althea kaya napansin ni Noah na namula pa ang mukha ng dalaga.

"Kinikilig ka ba?"

Napatingin si Althea kay Noah hanggang sa biglang nag seryoso ang kanyang mukha. "Hindi ha?"

"Baka matulad lang 'yan sa ka-meet up mo."

Halos masamid si Althea dahil sa sinabi ng kanyang amo. "Bakit alam mo, Sir?"

"I heard that stupid guy. Although baduy ka naman kasi talaga. And I didn't mean to eavesdrop on that."

Tuluyang nawala ang ngiti sa labi ni Althea at nakaramdam siya ng kahihiyan. Buong akala kasi niyang silang dalawa lang ni Andrew ang nasa lugar na iyon, pero kasama pa ang amo niya.

"Sir, puwede po ba pababa sa Green Ville Subdivision?"

"Bakit?"

"Magkikita kami ng bestfriend ko."

"Okay."

Hanggang sa pagsakay ng sasakyan, hindi kumikibo si Althea. Hiyang-hiya siya na malaman pa ng amo ang nangyari sa kanya. Hawak niya lang ang magkabilang tuhod habang nakatingin sa kalsada.

"Sir, lagpas na po yata sa Green Ville?"

"Samahan mo ako sa company."

"Ha? Bakit po? Baka hindi po ako papasukin, mukha akong basahan," pabiro niyang sinabi.

"You like books right?"

"Opo."

"You can work in my company. Kapag nag OJT ka na or sa research subject mo."

"Eh sa school po kami."

"No, you can work as a Junior Editor in my company. Halos lahat ng published books namin alam mo."

"Sino po magrereview sa mga edited works ko?"

"Ako."

Napatingin si Althea hanggang sa makababa sila ng kumpanya. Napakaganda nito sa labas pati na ang mga uniporme ng mga nagtatrabaho rito.

"Faster, Althea."

Kakatingin ni Althea sa mga naglalakihang building hindi niya napansin ang hagdanan sa harapan niya kaya naman halos masubsob siya ngunit maagap si Noah at nahawakan ang kanyang baywang.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon