CHAPTER 46
Maagang bumangon si Althea upang ihanda ang sarili sa paaralan. Habang naglalakad si Althea papunta sa kusina ay napahawak na lamang siya sa kanyang sentido. Para bang umiikot ang kanyang paningin hanggang sa sumandal siya sa pader.
“Ma, lumilindol po ba?” tanong ni Althea hanggang sa hawakan siya ng kanyang ina.
“Hindi naman. Okay ka lang ba? Baka nagugutom ka na?”
“Siguro nga po. Ma, maaga ako ngayon sa school kailangan na namin i-submit kay Dean ang report sa literature.”
“Sige, halika at kumain ka na. Baka ma-late pa kayo ni Jenny.
Nagmadaling kumain si Althea upang matapos kaagad. Naligo at nagpalit na rin siya ng damit pagkatapos ay tumakbo palabas ng bahay. Bitbit niya ang dalawang libro habang naglalakad sa eskenita upang maghintay ng jeep.
“Ugh, ang sakit ng ulo ko. Bakit naman ganito? Ang wrong timing naman!” bulalas ni Althea hanggang sa pumara na siya ng taxi dahil inabot na siya ng alas otso at hindi pa rin nakakaabot sa pilahan ng jeep.
Habang nakasandal sa taxi si Althea tila nagkaroon ng sigla ang katawan niya nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Buong akala niyang si Noah ang tumatawag ngunit si Jenny lamang ito.
“Thea!”
“Ano? Makasigaw, wagas?!”
“Nasaan ka na ba? Kailangan ka ngayon dito!”“Eh ito na! Nag taxi na nga ako!”
“Dalian mo at ipaglaban ang karapatan mo!”
Kunot noo lamang si Althea hanggang sa marinig niyang binabaan siya ng tawag ni Jenny. Tila umakyat ang kaba sa kanyang dibdib hanggang sa makarating siya ng paaralan.
Kahit napakasakit ng ulo ni Althea ay tinakbo niya ang hagdanan upang makarating sa Dean’s office.
“Dean!” masayang bati ni Althea hanggang sa maglakad siya papunta sa opisina nito.
“What have you done, Althea and Jenny?” tanong ng kanilang Dean pagkatapos ay nilatag ang ilang screenshot mula sa CCTV footage ng Moretti Publishing Company. “Bakit ginawa niyo ito sa Fiance ni Mr. Moretti? Pakatandaan niyo, researcher lang kayo, hindi pa kayo official trainee ng Moretti! Isang malaking kahihiyan ito sa school! Sinugod ako ng magulang niya rito dahil sa ginawa niyo sa kanya.”
Halos mamuo sa mga mata ni Althea ang luha dahil ngayon pa lamang siya napagalitan sa kanilang Dean. “Ma’am, manghihingi na lang po kami ng despensa,” wika ni Althea.
“Ano kamo, Althea?! Dean, si Olivia po ang nagsimula ng gulo. Maliwanag na cut picture na lang iyan! Siya ang nang insulto sa pagkatao ni Althea dahil inggitera siya!” bulalas ni Jenny.
Lumaki ang mga mata ni Althea dahil ayaw niyang ipaalam ang relasyon nila ni Noah. “Jenny! Dean, hihingi na lang po ako ng pasensya,” wika ni Althea.
“Anong pasensya, Althea? Ininsulto ka mula ulo hanggang paa ng pamilya ni Olivia pagkatapos ikaw pa ang manghihingi ng sorry?! Ikaw ang pinahiya nila, dapat sila ang mag sorry sa iyo! Lalong hindi ako papayag na mapaalis tayo sa school na ito sa hindi natin kasalanan!” idibagdag ni Jenny.
Natigil si Althea at napatingin sa Dean. “What do you mean, Jenny?”
“Expulsion ang resulta ng ginawa niyong dalawa. Hindi kayo makakalipat ng basta-basta sa ibang school dahil sa ganyang rason,” mahinahon na sinabi ng kanilang Dean.
“Pero Dean, wala po akong kasalanan. Wala po kaming ginawang masama ni Jenny. Dean, maawa po kayo. Ilang subject na lang ang kailangan kong tapusin para makagraduate, maawa naman po kayo. Kahit alisin na lang ang scholarship ko okay lang, basta huwag pong expulsion,” pakikiusap ni Althea habng umiiyak.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...