Chapter 50

1K 78 14
                                    


CHAPTER 50

Inabot ng madaling araw ang paghihintay ni Althea kay Noah sa loob ng ward ni Aling Jessy. Nakatulugan na rin siya ni Jenny kaya naman nakapagdesisyon si Althea na lumabas ng ospital upang bumalik sa apartment. Hindi rin niya matawagan si Noah kaya naman umuwi na lamang siya sa apartment upang kumuha rin ng jacket.

Sa pagpasok ni Althea, tahimik lamang sa loob ng apartment kaya naman unti-unting napaluha si Althea. Labis ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa nangyari sa kanyang ina dagdag pa si Noah na hindi niya maintindihan.

“Bakit pawala-wala naman siya? Seryoso ba talaga siya? Assurance ko na ba iyung mga sinabi niya kagabi? Pero bakit nawala na naman siya? Ni hindi ko siya macontact.”

Naglalakad si Althea papunta sa kanyang kuwarto hanggang sa makita niya ang jacket ni Noah sa ibabaw ng kanyang kama. Umupo si Althea pagkatapos ay niyakap niya ito.

“Kailangan kita ngayon. Hindi ko alam kung gaganahan pa akong pumasok sa school. Hindi ko naman kaya na iwan si mama sa ward. Paano kung balikan siya ng mga taong gumawa nu’n sa kanya? Nasaan ka na ba?” umiiyak si Althea hanggang sa ipasok niya ang kamay sa loob ng bulsa ng jacket ni Noah.

Kunot noo si Althea dahil sa nakapa niyang papel na nakatiklop sa apat. Dahan-dahan niya itong inilabas hanggang sa makita niya ang isang medical record at ang lengguwahe nito ay Italian.

“Ha? Nakapangalan sa kanya ang medical result. At may Positive? Ano ito?” 

Nagsimulang magkaroon ng interes si Althea na malaman ang nakasaad dito hanggang sa kinuha niya ang cellphone. She tried to translate every single word stated on the medical result.

Sa ilang segundo na pagtatype ni Althea ay napatigil na lamang siya. Nakatulala lang siya sa harap ng screen ng kanyang cellphone hanggang sa maintindihan niya ang nakasaad sa medical result.

“Recurrence…” unti-unting lumuha ang mga mata ni Althea hanggang sa tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang palad dahil sa mga nalaman niya. Mula sa binasa niyang simtomas at kung ano ang posibilidad na mangyari sa ikalawang beses na operasyon. Habang takip-takip ni Althea ang mukha ay sumagi sa isip niya ang lahat ng nasaksihan niya kay Noah. Mood swings, sudden headache, nausea, lalo na ang biglang hindi pagresponde nito dahil sa matagal na pagkakatulala.

“Saan ko siya hahanapin?” napatayo si Althea at binitbit ang jacket ni Noah. Nanginginig ang binti niya sa sobrang takot hanggang sa sinimulan niyang tawagan si Tom.

Mula sa ospital kung saan naka admit si Noah ay hindi mapakali si Tom kung sasagutin ba niya ang tawag ni Althea. Hindi rin niya ito natiis hanggang sa sagutin ito ng may kinakabahan na nararamdaman.

“Napatawag ka, Thea?”

“Can we talk?”

“Ugh Thea, tulog na kasi ako.”

“I need to talk to you. Wala si Noah sa tabi ko. Please 

Kailangan ko ng paliwanag mo tungkol kay Noah. Alam kong may alam ka tungkol sa sitwasyon niya ngayon.”

Napabuntonghininga si Tom hanggang sa hindi rin niya mapigilan na umamin kay Althea. “Yeah, you need to know everything about him. Nasaan ka, ipapasundo kita.”

Sa ilang minuto na paghihintay ni Althea sa apartment ay nasundo rin siya ng driver ni Tom. Tahimik lamang sa loob ng sasakyan si Althea until they finally reached the hospital. Nagtataka si Althea dahil sa isang mamahalin na private hospital at private room pa siya hinatid.

“Tom!” tawag ni Althea.

“Thank God, you're safe. Okay naman ba si baby?”

“Yes. Si Noah? Bakit tayo nandito?”

Hindi na kumibo si Tom at kaagad na niyang dinala si Althea 

Sa loob ng ward ni Noah. Napatakip na lamang ng bibig si Althea nang makita niyang walang malay si Noah na nakahiga at napakaraming makinarya ang nakapalibot dito.

Hindi mawala ang paningin ni Althea kay Noah hanggang sa umagos ang luha mula sa kanyang mga mata. 

“I’m sorry if he kept it secret. Ayaw ka niyang masaktan, ayaw ka niyang mag-isip ng kung ano-ano. I tried to convince him earlier, pero bigla na lang siyang nagsuka, sumakit ang ulo pagkatapos ay nag collapse.”

“Ito ba ang rason kung bakit siya iniwan ni Olivia noon kaya 

Kaya ipinagpalit niya si Noah?” tanong ni Althea kaya napatango naman si Tom.

“Oo… Wala pa silang alam noon na kapag ikinasal si Noah doon pa lang ang grant sa lahat ng pamana ng tatay nito kasama ang mapang aasawa ni Noah. Kaya ganoon na lamang siya iniwan ni Olivia. Pero nu’ng nalaman nila na ganoon ang sistema para makuha ni Noah ang pera at magkaroon din ng pera si Olivia, pinagpipilitan nila sina Noah at Olivia na magkabalikan muli. Kaya malakas ang pakiramdam ko na Richards lang ang gumawa nu’n sa mama mo, Althea. Kapag naikasal ka kay Noah, hindi basta-bastang property lang ang mapupunta sa iyo. Meroon din sa Italy.”

“I’m not into his properties. Gusto ko lang mabuhay siya o 

gumaling siya. Tom, hanggang kailan akong bulag? Kung hindi ko ba makita sa bulsa ni Noah ang Italian medical result niya wala akong malalaman?!” galit na sinabi ni Althea. 

“No, may plano siya at may plano rin ako pero tumatiming lang kami.”

“Timing? Sige, paano kami mag-uusap kung wala siyang malay? Ni hindi ko man lang nakausap si Noah ng matagal, ni hindi ko man lang siya naasikaso dahil iniintindi ko lang ang problema ko?! Ni hindi ko man lang siya napakinggan. Ngayon, sabihin mo sa akin, paano pa kami mag-uusap ni Noah?! Tom, after this operation na niya, tama hindi ba? Maraming what ifs, Tom!” bulalas ni Althea.

“Trust him. Hindi siya bibitiw lalo na’t may anak na kayo. May naghihintay na magising siya.”

“Part of this is my fault, hindi ko man lang siya tinanong. Hindi ko siya nabigyan ng oras na makabuwelo dahil palaging ako ang nilingon niya. Palaging problema namin ni mama.”

Humagulhol si Althea sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Walang humpay ang luha niya sa pagtulo hanggang sa sinimulan ipakita ni Tom ang naging itsura noon ni Noah.

“He got his fake hair behind his head to cover his surgical scar,” wika ni Tom pagkatapos ay iniabot ang litrato ni Noah na nakaupo sa wheelchair. Wala itong buhok at may tahi sa likuran parte ng ulo.

“Kaya pala ayaw niyang pinapahawak ang buhok niya, kaya pala palagi siyang nagtatago sa hoodies niya at sumbrero dahil may tinatago siya at may pinoprotektahan,” umiiyak na sinabi ni Althea habang hawak ang kamay ni Noah.

“Gumising ka na, mag-uusap tayo. Bakit natatakot ka na sabihin ito sa akin? Hindi ba? We promised to each other that we will not keep secrets. Noah, kausapin mo ako. Hindi naman kita iiwan. Hindi ko bibitiwan ang mga kamay mo,” wika ni Althea hanggang sa  sinubsob niya ang mukha sa higaan ni Noah.

Napaatras na lamang si Tom hanggang sa iniwan niya sina Noah at Althea sa loob ng ward. Kailangan din niyang asikasuhin ang operasyon nito sa ibang bansa dahil nandoon ang mga espesyalista na kasama ni Dr. Jay na nag-opera kay Noah.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon