CHAPTER 23
Sakay ng taxi ang mag-ina papunta sa bahay ni Jenny. Tulala naman si Althea sa bintana habang paulit-ulit binabato sa isip niya ang naging hitsura ni Noah.
"Ngayon ko lang siya nakita na ganoon," bulong ni Althea.
"Okay ka lang anak?"
"Opo, Ma."
Nagdaan ang tatlumpung minuto pagkatapos nu'n ay nakauwi na sila sa pansamantalang paninirahan kay Jenny.
Tahimik lamang si Althea habang nakaupo sa labas ng bahay at nakatingin sa cellphone. Panay ang tingin niya sa numero ng amo kung tatawagan niya ba ito o hindi.
"Naging mabait naman siya sa akin. Nakita niya ang potential ko sa literature. Isa pa tinutulungan niya rin ako. Pero bakit sobrang bigat nu'ng mga binitiwan niyang salita. Dalawang beses... Oo at dalawang beses na halos halikan niya ako or baka pinagtitripan lang niya siguro ako. O baka nasanay lang din ako na palagi ko siyang pinaglilingkuran at nakakaaway kahit nagkakilala lang kami sa mabilis na panahon."
Althea decided to turn off her phone pero bago pa iyon mangyari ay biglang pumasok ang isang tawag mula kay Zack.
"Zack?"
"Are you free tonight?"
"Hmm, oo bakit?"
"Gusto lang sana kitang makasama. I mean just a few drinks. Bigla ka kasing nawala noon."
"Sige, hapon pa naman ang pasok ko sa school."
"Okay, I'll pick you up by eight."
Tahimik at saradong-sarado ang opisina ni Noah sa Moretti Publishing House. Because of toxicity, iniwan niya ang kanyang ina at kapatid. Nakataas lamang ang kanyang mga paa sa lamesa habang pinagmamasdan ang mga litrato ng kanyang ama.
"I didn't mean what I've said to Althea. Hindi ko kayang manliit at magsalita ng masakit sa isang kasambahay... I came from a maid. You can't hide it, dad. You can't... Alam ko na anak mo ako sa isang katulong. Mom has been a good mother to me dahil iyon naman ang pangarap niya. Maging isang tunay na ina. She couldn't have it, she couldn't provide you with a baby. Pero Dad, hindi ko kilala kung sino ang tunay kong ina. I want to meet her."
Napapikit na lamang si Noah hanggang sa ilabas niya ang isang envelope. He can't deny, napangiti siya nang makita ang ilang stolen shots ni Althea.
Patago at walang nakakaalam sa ginagawa ni Noah. Halos lahat ng laman ng kanyang cellphone gallery ay mukha ni Althea. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil komportable siya rito lalong gustong-gusto niyang nagagalit ang dalaga sa kanya.
"How can I bring her back? Siguro naman mas malaya akong malapitan siya dahil wala na siya sa bahay ko? Pero mas gusto ko siyang nakikita araw-araw sa kuwarto ko."
******
Matigas ang ulo at inalis ni Althea ang neck brace niya, hinihintay lamang niya na sunduin siya ni Zack.
"Salamat sa dress, Jenny!"
"Naku, basta ikaw! Sana naman humabol ka na para magka-baby!" wika ni Jenny.
"Oo nga anak!"
"Mama! Isa ka pa po na sumasangayon kay bakla!"
"Puwede ba! Sige na lumabas ka na nga!"
Pinagtulakan ni Aling Jessy at Jenny si Althea nang makita nila si Zack.
"Good evening, Ma'am Jessy."
"Aling Jessy na lang. Oo nga pala, Hijo. Ingatan mo ang anak ko ha?"
"Mama, aalis lang po kami!" sabat ni Althea.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...