CHAPTER 38
Mula sa loob ng opisina, ilang oras ng hindi pa nagigising si Noah mula sa lapag ng opisina. Nagtataka naman si Manong Boyet mula sa mansyon dahil wala man lang iniwan na mensahe ang binata sa kanya lalo na't alam niya ang oras ng uwian ng amo. Dahil sa kutob ni Manong Boyet ay umalis siya ng guardhouse at pinuntahan niya si Manang Ingrid.
"Ingrid!" tawag ni Manong Boyet.
"Bakit? Ano ang nangyari sa iyo?"
"Eh hindi pa kasi nagrereply si sir. Hindi man lang nagtatanong kung nakauwi na si Althea o kaya mag-iwan ng mensahe kung malapit na siya sa mansyon."
"Teka, subukan natin na tawagan si Sir Tom."
Nagpunas lamang ng mga kamay si Manang Ingrid hanggang sa dukutin niya sa kanyang bulsa ang cellphone. Sinimulan niyang tawagan ang number nito hanggang sa sagutin ito ni Tom.
"Hello po, Manang?" tugon ni Tom mula sa kabilang linya.
"Hello, Sir? Itatanong lang sana namin kung nasa opisina pa ba si Noah? Hindi kasi siya sumasagot."
"Eh? Saglit, sakto po pupunta ako sa opisina niya. Sasabihin ko na lang din po sa kanya," tugon ni Tom.
"Sige, Sir. Salamat po!"
Lumabas ng sariling opisina si Tom habang bitbit ang ilang printed sample designs para sa mga bagong libro na ilalabas. Pagdating ng binata sa opisina ni Noah nagbagsakan ang mga hawak na papel ng binata dahil nakita niya ang kamay ni Noah sa sahig. Dali-daling isinara ng binata ang pintuan ng opisina ni Noah pagkatapos ay tumakbo upang saklolohan.
"Tol! Tol! Fuck!" asik niya at itinaas niya ang ulo nito pagkatapos ay kinapa. Pinagmasdan din niya ang paligid kung may dugo ba o kung nabagok ang ulo nito. Mabilis na inalalayan ni Tom ang pinsan upang iupo ito sa swivel chair.
"'Pre! Gising! Noah!"
Sa ilang beses na tinatapik ni Tom ang mukha ni Noah ay unti-unting bumukas ang talukap ng mga mata nito.
"Noah? Are you okay? May masakit ba?"
Umiling si Noah hanggang sa makita ni Tom na umaagos ang luha nito. "I want to live again. All over again, Tom."
Bahagyang lumayo si Tom at tinawagan ang kaibigan nilang si Doctor Jay. "Just wait for a while, Tol! Tinawagan ko na si Jay. He will help you."
Tumango si Noah habang nakasandal lamang siya sa swivel chair. Walang ibang nasa isip niya kung 'di ang pag galing at ang mukha ni Althea.
Ilang minuto lamang naghintay si Noah hanggang sa makalabas siya ng maayos sa opisina. Pinilit niyang maglakad ng maayos hanggang sa dalhin siya ni Tom sa ospital na pagmamay-ari ni Doctor Jay. Doon siya pinagpahinga bago isalin sa test.
"I wanna go home," wika ni Noah pagkatapos ay bumangon.
"Noah, kailangan mo ng i-test. Kailan ka pa nakakaramdam ng ganyan?" tanong ni Doctor Jay.
"Jay, I am totally fine. Nahilo lang ako," tugon ni Noah.
"Tol, just stay. Kailangan mo ng check up. Baka nakakalimutan mo kung paano nagsimula magparamdam ang brain tumor sa iyo," sabat ni Tom pagkatapos ay tinapik ang upuan upang bumalik si Noah.
"I need to see Althea."
"Your maid?" tanong naman ni Jay.
Tumango si Noah. "Hindi ako nakapag reply sa kanya. Baka nag-aalala na iyon. Besides, low battery na ako."
"Noah, kung gusto mong magtagal na nakikita si Althea. You have to undergo several lab tests. I-schedule ko ang susunod na test para makasiguro tayo na hindi na iyan babalik katulad ng Papa mo," wika ni Jay pagkatapos ay niresetahan lang ng painkiller si Noah.
Tiningnan naman ni Noah ang inabot na reseta ni Jay pero binalik din ng binata. "Ito pa rin naman ang gamit ko. I need to go," wika ni Noah hanggang sa makalabas siya ng ospital.
Ang naiwan na sina Tom at Jay ay nagkatinginan na lamang. "Wala talagang gamot sa katigasan ng ulo," wika ni Jay.
Pagdating ni Noah sa mansyon ay kaagad siyang sinalubong ni Mayuki.
"Where have you been?" tanong ni Mayuki.
Dumiretso lamang sa paglalakad si Noah hanggang sa sinundan pa rin siya ni Mayuki hanggang sa hagdanan.
"Saan ka galing? Kay Althea? Talagang ipagpapalit mo lang si Olivia sa pipityugin na katulong na iyon?"
"Shut the fuck up, Mayuki!" malakas na sinigaw ni Noah kaya naman hanggang sa kusina ay narinig ng mga katulong ang dagundong ng boses ni Noah. "Go back to Japan! Wala ka naman ginagawa rito kung hindi maghintay sa pera! Lahat ng pagod nasa akin! Ikaw anong ginawa mo? Maghintay, magdemand at ano pa? Wala na!"
"Hoy! Wala kang respeto! Mas matanda pa rin ako sa iyo!"
"Respect is earned not by demand! Ang hinihintay mong pera ay mula iyon sa dugo't pawis namin ng tatay ko! Mabuti nga inampon ka ng tatay ko kung hindi sana palaboy ka lang sa kalsada!"
Hindi nakakibo si Mayuki dahil nabigla siyang alam ni Noah ang totoong pagkatao niya. Na hindi sila tunay na magkapatid.
"Nagulat ka na alam ko? Walang sikreto sa pamilyang ito na hindi ko nalalaman. Even a single cent about my life, alam ko lahat. Kaya kung gusto niyong makuha pa rin ang pera na hinihintay niyo sa Moretti Publishing, huwag na huwag niyo akong pakikialaman!"
"Pero tinatama lang namin ni Mama ang landas mo!"
"Landas? Bakit ang pamilyang meroon ka ay hindi mo naitama?"
Para bang sinampal ng katotohanan si Mayuki hanggang sa tinalikuran siya ni Noah. Nagsimulang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata pagkatapos ay umupo siya sa hagdanan.
Unti-unting lumalakad si Neriza habang nakatingin kay Mayuki na umiiyak.
"Anak," tawag ni Neriza.
"Ampon lang nga talaga ako. Ni minsan hindi ako pinagkatiwalaan ng tatay ni Noah kahit inampon niya ako. Kahit mas nauna ako kay Noah."
"Mayuki, I'm sorry. Hindi ko rin naman kasi gusto na hindi magkaroon ng anak. Ikaw ang unang sanggol na minahal ko. Huwag mong isipin na ampon ka lang. Nang dahil sa iyo, nabuo tayo bilang pamilya. Kahit hindi ibinigay ng Ama ni Noah ang kanyang pangalan sa akin. Alam kong mahal niya ako."
"Pero nandito pa rin sa pagkatao ko na anak lang ako ng patakbuhin na babae. Tama naman si Noah, sino ba ako para mag demand? Samantalang nakikihingi lang ako ng pamana mula sa tatay niya?"
Umiling si Neriza at niyakap ni Mayuki. "Mahal ko kayong dalawa ni Noah kahit hindi kayo nanggaling sa akin. Kaya pilit kong itatama lahat ng ginagawa niya. Ayokong basta lang maitapon ang pinaghirapan ng mahal ko sa isang katulong. At uulitin na naman ni Noah ang pagkakamali ng kanyang ama na buntisin ang isang katulong." wika ni Neriza.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomantizmA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...