Finale

1.4K 78 20
                                    

CHAPTER 59

Bantay sarado at parang inahing manok si Noah habang nagbabantay kay Althea at Nicolas. Naabutan na lamang nila na tulog si Nicolas kaya naman sumunod na rin sa pagtulog si Althea. Noah stood up and took his sling bag. May dinukot ito sa loob at inilabas ang kulay asul na kahon. Binuksan ito ni Noah at bumulaga sa kanyang mga mata ang gold wedding ring na may kumikinang na dyamante. 

“Honestly, I wanna marry you now. Pero ang bilis. Napaka bilis dahil kababalik ko pa lang, parang minamadali na kita. Pero ganoon din ang kapupuntahan nating dalawa.” Hinalikan ni Noah ang kamay ni Althea pagkatapos ay halos malaglag siya sa kinauupuan nang makita niyang nakaupo at nakatingin si Nicolas sa kanya. Nagkusot pa ito ng mga mata at para bang sinisiguro kung panaginip ang nakikita.

“Hey! Bakit nandito po kayo?” Nicolas asked.

Hindi nakakibo si Noah at tumayo upang yakapin ang anak. Hindi niya napigilan ang sarili at bumuhos ang luha niya habang nararamdaman niya ang init ng palad ni Nicolas. 

“Why are you crying? May problema po ba kayo?” he innocently asked again.

Humikbi si Noah at paulit-ulit na hinalikan ang  noo ni Nicolas. “Son.”

Kumawala si Nicolas at nalilito habang nakatingin kay Noah. Lumingon naman ang bata sa kanyang ina na nakapikit at mahimbing na natutulog.

“Mama!” bulalas ni Nicolas kaya biglang napatayo si Althea.

“Anak?”

“Mama, he said, son! He looks like daddy too. Wala na siyang sumbrero. Siya po iyung lalaki sa school ’diba? And he is right in front of us! Si papa po ba siya?” Nicolas said with full excitement.

Tumango si Althea at hinawakan ang kamay ni Nicolas. “Yes anak. Mahirap kasing i-explain sa iyo. Pero siya ang Papa mo. Look, pareho kayo ng buhok, at magkamukhang-magkamukha kayong dalawa.”

Tumalon si Nicolas papunta sa kanyang ama pagkatapos ay niyakap itong muli. “I have my own papa now! I am so happy mama!”

Nagtama ng paningin si Noah at Althea habang pareho silang nakangiti.

“You are my little Noah,” wika ni Noah pagkatapos ay ginulo ang buhok ng anak.

“We have the same mole here!” tinuro ni Nicolas ang nunal ni Noah sa kaliwang leeg kaya naman napangiti siya sa lahat ng sinasabi ng kanyang anak.

“I couldn’t ask for more. Ibinigay na lahat sa akin. Ang lalaking makakasama ko hanggang sa pagtanda, at nagkaroon pa kami ng makulit na anak. Paano pa ang susunod naming anak ni Noah? I can’t wait to spend my life with Noah ever again. He came back, he finally came back in my arms.”


*****

Pagaspas ng malalakas na alon ang naririnig ni Althea habang nakahiga sa damuhan. She’s currently waiting for Noah to come over. Iniwan siya saglit ng kanyang asawa upang kumuha ng makakain kasama si Nicolas.

It was two years ago magmula nang sila ay ikinasal ni Noah sa Mount Carmel Chapel in Batanes. At ngayon na pumunta sila rito upang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo. 

Their wedding day was exactly the same as the day they met. Kaya naman hinding-hindi nila makakalimutan ang araw kung paano sila nagsimula. And finally, Althea got pregnant again at ang pangalan niya’y si Aliah. 

Bumiling si Althea upang silipin ang payapang natutulog na bunsong anak. “Ang cute mo talaga. Wala man lang namana sa akin. Napaka lakas ng dugo ng tatay mo.” 

Hindi pa rin naging madali ang pamumuhay nilang dalawa dahil nananatili pa rin na maingat si Noah sa mga kinakain niya at lifestyle. Ganoon din si Althea na todo ang alaga sa kanyang asawa.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon